Chapter 11 . Dont want to be friends

14K 280 3
                                    

"Can you stop being in danger?"

Hindi parin ako makapaniwala sa hinihiling niya. Concern talaga siya?

"Okay! Of course" sagot ko sakanya.

Huminga ako ng malalim at tumalikod. He's asking me things that are very weird. Kakaiba pala humiling ang isang Travis Morgan.

Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Wag ka agad agad magtitiwala.. Kahit kanino. This world is not what you think it is"

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Kinilabutan ako sa sinabi niya. What is he saying?

Ramdam ko ang init ng titig niya sa akin.

"Kasama ka ba sa mga hindi ko pagkakatiwalaan?"

Natatakot ako sa isasagot niya at nahigit ko ang hininga ko nang makita siyang yumuko. Parang kinurot ang puso ko nang tumango siya.

What is bad about him? Bakit hindi ko siya pwede pagkatiwalaan?

"Get back to the hall" utos niya sa akin.

"Paano ka?" tanong ko sakanya pero tumingin lang siya sa orasan niya.

"May aasikasuhin pa ako" aniya at tumango nalang ako.

Ginawa ko kung ano ang sinabi niya lalo na at hindi ko na kaya ang mga sinasabi niya. My heart was beating so fast and it's very unusual na maging ganon ako sa isang tao.

Tumabi ako kay Bea and Caly. Nakita kong napatingin si Caly sa gilid namin pero agad siyang nag iwas ng tingin. Tumingin naman ako at nakita si Zicko na nakatingin kay Caly.

"What's with him?" tanong ko pero umiling siya.

"Nothing. He is just a bored stupid jerk na feeling super hero" sagot niya.

"Well I think he likes you" sabi ko at agad kong napalo ang bibig ko.

"Alina.. Alam mo naman na bawal makaramdam to. Hindi ko kakayanin."

Napatango nalang ako sa sinabi niya. Yeah, too bad she is not allowed to feel extreme emotions.

Pinilig ko ang ulo ko.

Ewan ko ba pero I feel na I'm being watched.

"Wait lang ah" paalam ko sakanila at nagmadaling lumabas. Naramdaman kong may tao sa likod ko kaya naman agad akong tumalikod.

Sino to? Well he is super handsome. I mean.. mukhang may edad na siya pero something caught me.. parang nakita ko na ang mga matang 'to.

His deep eyes.

"May kailangan po ba kayo?" Tanong ko.

He looks like a very respected person.

"I'm looking for my son, maybe you can help me" sabi nung lalaki at tumango naman ako.

"What year na po?" tanong ko sakanya. Ngumiti naman 'to at parang kinilabutan ako sa ngiti niya.

"4th, hija" aniya kaya napangiti ako. I know some graduating.

"Ano pong name?" tanong ko at lalo siyang ngumisi.

Ang ngising 'to.. I know it. I saw it already.

"Travis Morgan"

Napantig ang tenga ko sa sinabi niya. Alam kong wala naman to pero parang kinabahan ako.

"Are you ok hija?" tanong ng dad ni Travis. "Do you know my son?" Dagdag na tanong niya sakin.

Tumango ako at ngumiti kahit pakiramdam ko manghihina ako.

Loss in the Dangerous PathWo Geschichten leben. Entdecke jetzt