Chapter 34 . Two shall become One

15.7K 243 2
                                    

Sabi nila.. mahirap maghintay, lalo na kung sobrang gulo na ng lahat kaya minsan sumusuko nalang tayo at hindi natin iniisip kung anong mangyayari kung ipagpapatuloy natin hanggang dulo.

Pero naitanong ko minsan sa sarili ko, paano natin makikita ang dulo kung susuko tayo sa gitna?

Takot tayo masaktan? Oo, maraming takot masaktan pero kung tatapusin natin hanggang sa dulo, atleast masasabi natin na sinubukan natin, ginawa natin ang lahat para maging masaya tayo.

Sa ganoon.. walang pagsisisi at magiging masaya tayo.

Masaya tayong susulong at haharapin ang hinahaharap ng mas matatag at karapatdapat sa taong nag mamahal sa atin.

"Anak? Ready ka na ba?"

Napangiti ako sa pamilya ko na nasa pintuan ng waiting room ko. Tumango naman ako. Lahat sila ay masaya para sa akin.. lahat sila ay proud sa akin at yun lang naman ang gusto ko.

"Yes. I am ready" sagot ko at mas ngumiti ng matamis.

Ito na ang araw ng hinihintay ko. Ang pagsusumpaan sa harap ng Diyos.

"May gustong makakita sayo" sabi ni mommy at biglang lumitaw si Zicko, Bea, Caly, Ram at Ella. 

Mga taong nakasama ko, sa lahat..

"Ina!"sigaw ni Caly at Bea.

Natawa ako at hindi napigilan ang pangingilid ng luha.

Lumapit sila sa akin at isa isa akong binigyan ng yakap. Nakita ko na naka hawak sa bewang ni Caly si Zicko at si Ram naman kay Ella. 

"Congratulations!" sabi ni ella at yinakap ko siya ulit.

Kasama ko siya noong mga panahon na nag momove on ako sa Australia at hinding hindi ko makakalimutan yon.

"Guys.. thank you so much for everything and boys.. don't you dare hurt my bestfriends!" sabi ko at tumawa naman sila.

Tumingin ako kay Caly na halatang lumalaban parin sa sakit niya. Pero isa lang ang masasabi ko.. mas ayos na siya ngayon, hindi na maputla tulad ng dati at naniniwala ako na konti nalang ay matatalo na niya ang sakit niya.

"Sige na! Mag reready na rin kami sa pagpasok." sabi ni Bea at nagpaalam na rin sila.

Nakita ko naman na pumasok si Kuya Third at Ate Rean. Yinakap ako ni Ate Rean at yinakap ko rin siya pabalik. I'm happy that they're okay now.

"Naunahan mo pa kami.. Congratulations" sabi niya at biglang may kinuha siya sa bag niya.

Nakita kong naglabas siya doon ng bracelet at sinuot niya sa akin yun.

"Thank you ate" saad ko at yinakap ako ulit. Hindi ata ako mapapagod na yakapin sila ng paulit ulit.

Napatingin naman ako kay Kuya Third at nakangiti siya sa amin.

"Kuya Third" tawag ko sakanya at yinakap ko rin siya.

"Thank you for everything princess.. I love you." Bulong niya at hinalikan ako sa noo. 

"I need to get ready and you also need to get ready." Aniya at tumango naman ako.

Umalis na sila at hindi na rin ako umupo dahil nakita ko na yung mag bibigay ng signal sa akin, sinenyasan niya ako kaya tumango ako.

"Time to get ready for your entrance na po mam" aniya at ngumiti naman ako.

Kinuha ko ang bulaklak at pumikit. Huminga ako ng malalim at naglakad na papunta sa entrance. Pagkatapat ko sa pintuan ay bigla itong bumukas at nakita ko ang maraming tao. Lahat sila ay nakangiti at masayang masaya para sa akin. Tumayo sa tabi ko si mommy at daddy, si mommy ay umiiyak na kaya hinigpitan ko ang hawak sakanya.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now