Chapter 16 . Leaving

13.6K 243 1
                                    

"My dad is still in love with his first love. Kawawa si mommy but for me my mom deserves better so I accepted that maybe she would be happy without us. My dad is a loving father but somehow I see that I am just an instrument pero kung ito ang purpose ko sa buhay tatanggapin ko. "

"But he wants her back, really really bad"

"Nope.. she has a family. A really happy family"

"Don't trust me"

"Wag ka agad agad magtitiwala.. Kahit kanino. This world is not what you think it is"

"I told you not to trust anybody"

"I can't tell you right now but I realize something.. Im afraid that I might hurt you and the only thing to prevent that is to get away from you but I can't.. I fucking can't stay away from you"

"Alina.. I am dangerous"

"Kung may mangyayari man in the future na alam kong pwede mong ikamuhi sakin, gusto kong malaman mo ngayon pa lang na pinagsisisihan ko man kung mapapaiyak kita. Lahat ng gagawin ko may dahilan, hindi dahil gusto kita masaktan pero dahil sinimulan ko kaya dapat kong tapusin. I'm so sorry Alina.. I want you to trust me but I can't because I can't also trust myself but one thing is for sure.."

Don't trust anybody.. I have my people around all of you.

- LM

"I'm afraid you'll hate me tomorrow"

Kung tutuusin.. ang dami na palang clue ang ibinigay sakin.. ang tanga ko lang talaga na hindi ko yun narealize dahil unti unti ng nahuhulog ang loob ko kay travis, unti unti narin ako nahulog sa patibong nila.

I was busy falling in love with him that I forgot everything around me..

"Okay na ba mga gamit mo?" tanong sakin ni mommy habang sinasara ko ang maleta ko.

Pupunta kami ng Australia ngayon, hindi dahil sa natatakot kami kay Lance Morgan pero dahil masyado pang masakit para sa lahat, bumalik si Lance Morgan para kay mommy, ginamit kami ni Travis para lang makalapit ang tatay niya samin. Gusto naming maging masaya ulit kaya hahanapin namin yun sa Australia.

"Opo.. Tapos ko ng ayusin" sabi ko at marahang ngumiti kay mommy. Yinakap naman niya ako at yinakap ko rin siya.

"I'm so sorry princess kung bakit kailangan mo pang pagdaanan to. Hindi naman dapat kayo madadamay ng mga kuya mo pero hindi lang buhay ko ang nakasalalay kung hindi sa inyo rin. Lance is crazy.. H
He'll do everything princess. Aayusin ng daddy mo ang tungkol sa isasampang kaso sakanya.. but still, we need to go." Paliwanag ni mommy sakin. Pinunasan ko naman ang luha niya.

She doesn't need to explain. Para sa akin, ito rin ang pinaka magandang gawin muna.

Ang umalis..

"It's okay mommy. I understand" wika ko at tinabi na ang maleta ko.

"Matulog ka na.. Maaga tayong aalis bukas" tumango ako. Pinanuod ko siyang umalis at napa buntong hininga nalang ako.

Biglang nagring ang phone ko kaya napalingon ako doon. Nagulat ako kung sino ang tumatawag. Hindi ko na sana sasagutin pero gusto ko siyang sumabatan. Hindi niya pa naramdaman ang sakit na naramdaman ng pamilya ko.. lalong lalo na ako kung malaman kong ginamit niya lang kami ni Kuya Third.

"What?" tanong ko sakanya.

Magsasalita pa sana ako pero narinig ko siyang bumuntong hininga. Natigilan ako dahil doon at naramdaman kong nanikip ang dibdib ko.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now