Chapter 20 . His

13.9K 266 1
                                    

"Whatever Ram" nakangisi kong wika at halos mapasigaw nung may yumakap sa akin sa likod.

"I miss you so much Ina" napangiti ako sa nagsalita.

It's Ella, Ram's girlfriend and my bestfriend in Australia.

"I miss you too Ella"

I smiled at her and hugged her tight. Nagtawanan kami at mabilis naman siyang hinila sa akin ni Ram. Ang damot nito!

Yinaya ko silang kumain at nakalimutan ko na ang tungkol kay Travis. I need that..

"WHAT?! Kuya Third did that to Ate Rean?" gulat na gulat na tanong ni Ram. Binatukan naman siya ni Ella.

"Well maybe.. he has a good reason. He won't do that to her without a good reason. We all know what Kuya Third can do for Ate Rean." sabi ni Ella at tumango naman ako.

That's what I'm thinking about, kaya nga hindi ko maintindihan si Kuya ngayon. I want to slap him again and again to wake him up!

"I know kuya.. he's maybe a jerk but pagdating kay Ate Rean, hindi niya to kayang saktan kung walang magandang rason" sabi ko sakanila at tumango naman silang dalawa.

Damn! Ako ang na fufrustrate sakanila! Isa pa si Kuya Chand! Magkapatid talaga ang dalawang 'yon!

"How about Kuya Chand. Kumusta sila nung girl na pinapasundan niya sa mga tauhan ni Ram?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Ella.

Napabaling ang tingin ko kay Ram at nag iwas siya ng tingin sa akin. Now this is fishy!

"Ram? Alam mo ang tungkol doon and hindi mo man lang sinabi sakin?" tanong ko.

Kita ko ang pamimilog ng mata ni Ella. So this was supposed to be a secret? Nagpabalik balik ang tingin niya sa aming dalawa.

"I'm sorry. Kuya Chand really loves her, kaya niya ginawa yun and besides wala namang masama." Paliwanag niya. Napabuga ako ng hangin at tinignan ko siya ng masama.

"You were invading my bestfriend's privacy!" giit ko pero umiling si Ram.

"Kuya Chand did that, not for himself but because that is the only thing he can do for her in those years na iniwan niya si Bea, to make sure she is safe lalo na at hindi niya to mapoprotektahan. It was really a pity to see Kuya Chand watching Bea being blind dated to someone else pero never mo naman siyang narinig na magreklamo diba? Even though you are the one who told them to let her meet other men." sabi ni Ram kaya natigilan ako.

I was hit by what he said. Mali ba ako? Mali ba akong unahin si Bea? Naging insensitive ba ako?

Maybe he's right.. Kuya Chand just did that out of love. Sobrang nang napalapit si Ram sakanila. They were all best of friends.

Tumango nalang ako at nagpatuloy na kami sa pagkain.



"Fix this papers for me" sabi ko sa secretarya ko. I'm the head accountant sa kompanya namin.

"Mam.. may nagpapabigay po" sabi sa akin ng secretarya ko at iniabot ang flowers sakin. Tinignan ko naman ang card na nandun.

We're not done

-TM

Bigla akong kinilabutan.. memories of the past came back.. LM - TM. Tumawag ako sa sekretarya ko at pina dial ko ang number ng office ni Travis.

"Travis" salubong ko at narinig kong humalakhak siya sa kabilang linya.

He is really different right now. Mas gusto ko ang sweet side niya..

Loss in the Dangerous PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon