Chapter 25 . Dream

11K 236 11
                                    

3 years later..

"Alina! Hindi mo ba pupuntahan si Travis? Diba ngayon kayo mag fofood tasting for the wedding?" tanong ni mommy sa akin ka-baba ko sa kusina.

"Yup mom.. I'll go straight sa condo unit niya" sabi ko kay mommy.

I kissed her goodbye at dumiretso na sa condo ni Travis. Hindi niya alam na pupunta ako ngayon kaya mas excited ako.

"Hi mam" bati ng guard sa akin at ngumiti naman ako.

Dumiretso na ako sa unit niya. I am so excited to see him. Lagi naman..

Excited na rin akong makita ang reaksyon niya pag nakita niya akong dinalaw siya.

Dahan dahan akong pumasok dahil alam ko naman ang password niya at napangiti naman ako dahil malinis ang sala niya. Dati kasi hindi siya naglilinis.

"Trav!" sigaw ko at parang automatic na biglang bumukas ang pintuan niya sa kwarto.

Napatingin ako sakanya mula ulo hanggang paa at napaawang ang labi ko. Wala siyang suot na pangitaas pero parang may kakaiba sakanya. Bakit parang hindi siya mapakali?

"Trav! Magsuot ka nga ng pantaas baka magkasakit ka." sabi ko at pilit na pumapasok sa kwarto niya pero nakaharang siya.

Bakit ayaw niya akong papasukin? Hindi naman ito ang unang pagkakataon na papasok ako. Sa tatlong taon na engage kami ay nagawa ko ng matulog dito.

"Why are you here?" tanong niya.

Nalungkot ako sa tanong niya pero hindi ko na inisip ang tampo ko dahil parang may problema siya.

"Diba.. we're gonna have food tasting today." sabi ko at ngumiti.

Nawala ang pangamba sa puso ko nang napangiti din naman siya sa akin. Hinaplos ko ang mukha niya dahil mukha siyang problemado.

"Travis?" halos mapantig ang tenga ko nung makarinig ako ng babaeng boses sa loob ng kwarto niya.

Kusang natanggal ang kamay ko sa mukha niya at kumunot ang noo ko. Kita ko ang pamimilog ng mata niya kaya matalim ko siyang tinignan.

"Sino 'yun?" tanong ko at nagpumilit na pumasok sa kwarto niya.

He keep on stopping me and my heart is being stabbed because of that. Sa pagpupumilit niyang pigilan ako ay mas nasasaktan ako.

"It's nothing.. let me explain. I don't know why is she in my room! Basta pag gising ko.. nandyan na siya." pilit siyang nagpapaliwanag hanggang malagpasan ko siya at makita ang babaeng nakahiga sa kama niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko.. Aalis ba ako? Magwawala? Ikakasal na kami!

"Babe.. believe me." Halos pag mamakaawa niya pero wala akong marinig.. ayaw tanggapin ng sistema ko na habang nagpaplano ako kagabi ng gagawin namin ngayon ay may kasama siyang iba and who knows kung ano pang ginawa nila.

"Oo nga naman Trav! Hindi mo alam bakit siya nandito! Ano siya? Ninja? Mumu? Invisible woman? Babaeng nakakadaan sa pader? Don't make me so stupid!" sabi ko at aalis na sana pero pinigilan niya ko.

Nangilid ang mga luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

This isn't the three years of love I've been protecting..

"Please believe me." sabi niya pero umiling ako.

"Kung ako ang makita mo sa ganyang sitwasyon. Will you believe me? Hindi ako ganoon ka martyr Trav! Tao rin ako and please.. Wag mong papasuotin ang mga damit ko sa babae mo! Kukunin ko ang mga gamit ko bukas." sabi ko at lumabas na pero hinabol parin niya ako.

Loss in the Dangerous PathDove le storie prendono vita. Scoprilo ora