Chapter 9 . Lance

14.3K 290 9
                                    

I am still wondering kung sino yung babae. Not that I'm really interested pero nabagabag na ako simula nang mag kwento siya tungkol doon. Hindi ko na natanong sa kanya ng maayos kasi pinabalik kami kaagad, dumating kasi si dad and si Kuya Chand kaya pinauwi kami.

"Alina?"

Napatingin ako kay Kuya Chand na nakasandal sa pintuan ko at nakita kong galit parin siya, kanina pa siya galit sa akin pero ayaw naman niya sabihin yung rason.

"Kuya are you angry?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at lumapit sa akin. Pinanuod ko siyang umupo sa tabi ko at kita ko na may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"No I'm not, I am just worried Ina. Paano kung may nangyaring masama sayo?"

I dont know what to say.. my brother is just really sweet. Sumandal ako sa balikat niya.

Lumaki kami na lahat ginagawa namin magkasama. He is there when I need help and I am always there for him when he's in trouble. Ngayon ay nararamdaman ko na, unti-unti ay lumalayo na kami sa isa't isa dahil nag ma-mature na kami.

"Kuya.. I am with Kuya Third so you dont have to worry, as if he would let something harm me."

Kahit sandali palang namin nakilala si Kuya Third. Magaan ang loob ko sakanya. Ramdam ko na tulad ni daddy at kuya, he is also a protector.

"Hindi lang ako sanay na may ibang nag aalaga na sayo." Napangiwi ako sa sinabi niya pero unti-unti rin akong ngumiti.

I hugged him and he laughed.

"Whatever happens I will still need you now, tomorrow and forever. I would always consider you first whatever happens so don't worry."

Tumango tango siya. Totoo naman 'yon. Siguro nga ay kahit may asawa na ako, palagi pa rin akong nasa tabi niya. Pakiramdam ko kahit anong mangyari ay kakailanganin ko pa rin siya.

"You should sleep now." Aniya.

Hiniga niya ako at hinalikan sa noo.

"Good night." Aniya at tumango naman ako. Pinanuod ko siyang lumabas ng kwarto ko.

Isang oras na ata akong nakatingin sa kisame ay hindi pa rin ako nakakatulog. Paano ba ako makakatulog nito? Bigla akong nakarinig ng sigaw kaya napabalikwas ako.

Napatakbo ako sa balkonahe ko at napaawang ang labi ko nang nakita ko si mommy na tumatakbo papasok sa bahay at kitang kita ang takot sa mata niya. Tumakbo ako pababa at nakita kong napaupo na si mommy sa sahig at iyak ng iyak.

Tumakbo ako at umupo sa harapan niya. Nakita ko rin na bumaba na sila daddy at sila kuya.

Ramdam ko ang takot sakanya. Her hands were trembling with fear. Somehow.. natakot din ako.

"Mommy are you okay?" tanong ko sakanya pero umiiling lang si mommy at napahikbi siya. Lumapit si daddy at yinakap si mommy.

Tinayo ako ni Kuya Third. Tinignan ko sila at kita ko rin ang pagtataka sa mata nila. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

"Luke.." bulong ni mommy at yinakap ng mahigpit si daddy.

Nangilid ang luha ko dahil sa nakikita ko. Natakot ako para kay mommy. Kung ano man ang nangyari, sigurado akong hindi lang simpleng bagay 'to.

"Shh.. you're safe, what happened?" tanong ni dad.

"Si Lance, he is here, I saw him"sabi ni mommy.

Nakita kong lalong humigpit ang yakap niya kay daddy. Mom was sobbing so hard. Napatingin ako kila kuya at halatang naguguluhan din sila. Binuhat ni dad si mommy.

"Lock the doors then go to bed, ako ng bahala sa mommy niyo" ani daddy at inakyat na si mommy.

Linock ni Kuya Third and Kuya Chand ang mga pintuan habang ako ay naiwang naka tayo doon. I am still in shock. Pa ulit-ulit na nag re-replay sa utak ko kung paano tumakbo si mommy papasok ng bahay habang takot na takot.

"What happened?" tanong sa akin ni Kuya Third.

Umiling ako at napasapo sa noo ko.

"I dont know.. I just saw mom running and screaming" sabi ko.

Tumango si Kuya Chand at hinawakan ang kamay ko. I felt warm..

"I think this is not the right time to ask things so go back to your rooms" ani Kuya Third.

Umakyat na kami at humiga na ako. I was still thinking about everything. Pakiramdam ko ay damang dama ko pa rin ang takot ni mommy.

Sa sobrang pagod at pag iisip ay napatulog na ako.


"I heard about what happened to your mom yesterday"

Napalingon ako at nakiya ko si Travis na nakatayo sa likod ko. I was in the garden still thinking about everything. Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa labas dahil naa-alala ko ang pagtakbo ni mommy.

"Nakwento na pala sayo.."

Nandito sila sa bahay ngayon, pati sila bea nandito. Last day na nang bakasyon kaya yinaya namin sila pero ito ako nasa labas at nagpapahangin, hindi kasi maalis sa akin ang nangyari kay mommy.

Chineck na ni dad ang CCTV pero ayaw niya sabihin kung anong nakita niya. He tightened the securities. Lalo akong naguguluhan. Naalala ko tuloy ang narinig ko noon sa beach, they're talking about Lance. May gusto bang manakit saamin? Pero bakit?

Some part of me is saying to let it go and don't worry about it but how can I do that if I can see my mon trembling with fear?

"How are you?" tanong niya sa akin pero nagkibit balikat lang ako.

"Ikaw? kumusta na yung babaeng tinutukoy mo?" tanong ko sakanya para maiba ang usapan. Ewan ko ba pero umiwas siya ng tingin.

"Okay naman.. pinuntahan siya ng dad ko kagabi." sabi niya at tumango naman ako.

"So anong nangyari?" tanong ko at napa ngisi siya.

I cringe with his smirk.

"Wala naman.. ayaw sakanya."

Kumunot ang noo ko. I was bothered about it.

"Pwede ko ba malaman name ng dad mo?" Tanong ko at kita ko ang pagkagulat sakanya.

Something urge me to ask that. Kasabay non ay ang pag kalabog ng puso ko ng mabilis. He was just looking at me straight in the eye.

Loss in the Dangerous PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon