Chapter 12 . Dangerous

13.5K 292 9
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi parin kami nag papansinan ni Travis. Habang tumatagal ay mas naiisip ko na baka mas okay na 'to..

"Guys. Samahan niyo ko mamaya. Bibili ako ng Instax" excited na sabi ni Caly. Tumango naman kami.

"Sure pero bakit mo naman naisipan na bumili?" tanong ni bea habang lumalamon ng french fries.

"Hmm.. Gusto ko kasi magtreasure ng moments" sabi niya habang nakangiti. Nagkatinginan naman kami ni bea.

"Sige! Kami rin ni Alina bibili" sabi ni bea at tumawa kami ng.. pilit?

Biglang nagtilian ang mga studyante kaya napalingon kami doon. Yun pala.. pumasok si Ram. Dalawang araw ko rin siyang hindi nakikita.

"Sino yan? New guy?"tanong ni Caly. Napatingin naman ako kay Ram at nahuli ko siyang nakatingin sakin at kumindat pa. Umiwas ako kaagad ng tingin.

"Stock holder ang dad niya sa school" sabi ko sakanila at nagfocus nalang sa pagkain ko.

Nagtilian nanaman ang mga studyante nung nakitang pumasok si Kuya Third, Kuya Chand, Travis at Zicko. I don't want to try hard na tawaging Kuya sila Travis.

Lumapit naman sila sa table namin kaya hindi ko alam kung saan ako titingin.

Kahit saan basta 'wag lang sakanya.

"Kuya Chand.. Alis lang kami mamaya nila Caly and Bea ah" saad ko at tumango naman siya.

"Bakit?" tanong ni Zicko.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Ah! Alam ko na.

"Paki mo---" pinutol ko ang sasabihin ni Caly at ako ang sumagot.

"Gustong bumili ni caly ng instax" sabi ko at sinamaan ako ng tingin ni caly. Alam kong natatakot lang siya kaya siya umiiwas.

"Sama kami!" Ani Zicko at nagulat sila kuya pero mukhang wala na rin silang magagawa.

"Bea" napalingon kami sa tumawag kay bea kaya napalingon kami, infairness.. gwapo naman. Syempre dapat kilatisin.

"Yes?" tanong ni Bea sabay smile. Nakita kong naiyukom ni Kuya Chand ang palad niya.. Aba possessive?

"Can I get your number?" napangisi ako sa nangyayari.. Halatang nagulat naman si bea pero ang kinagulat namin nung kinwelyuhan ni Kuya Chand yung lalaki.

Oh my! Poor him.

"Can't you see? She belongs to somebody else" sabi ni kuya na galit na galit. Tumayo naman si bea at pinaghiwalay ang dalawa. This is interesting.. I never saw kuya like this.

"No I don't kuya chand!" sabi ni bea at diniin pa ang Kuya.

Awww.. Kuya zoned? Lahat ng mga tao nakatingin na samin kaya tumayo ako.

"Okay people! Eat your food na! Tapos na ang show" sabi ko at humalakhak.

Nagsibalikan naman sila sa pagkain at nagtama ang mata namin ni ram, kinindatan niya ko kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Ngumisi naman siya.

"I'm sorry. Next time mo na kunin ah" sabi ni Bea at umalis na yung lalaki.

"Hindi mo ibibigay" mahinahon na utos ni Kuya Chand kay Bea pero seryosong seryoso siya doon and it's not a request but a command.

"Bakit? Bakit Chand? Bakit hindi pwede?" Ngumisi naman si Kuya. What the heck?

Hala! Nababaliw na to! Naku! Ang hina talaga ng kuya ko sa ganito. Why is he so stupid?

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now