Chapter 15 . Revelation 2.0

13.3K 266 0
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali sa loob ng kwarto ko sa hotel. Magsisimula na ang debut ko at sobrang kinakabahan ako.

"Hey princess" napatingin ako kay mommy na kakapasok lang sa pintuan.

"Hi Mom" bati ko at yinakap siya. Nawala bigla ang kaba ko nung yinakap din niya ko.

"My baby is nervous.. don't be, okay? I'll guide you" ani mommy at tinawag na ako para lumabas na.

Pagkalabas ko ay rinig ko ang playlist na ako mismo ang nag ayos.

"Let's have a round of applause to the debutant!" sigaw nung MC at lumabas na ako. Lahat naman sila ay nagpalakpakan at ngumiti naman ako.

Sinundo naman ako nila kuya at dinala sa stage. Mula sa ilaw ay medyo nasisilaw ako kaya lalo akong napangiti. Everyone was wearing white gaya nang gusto kong mangyari. Purity is shouting in every corner.

"Hi.. I would like to thank everyone who came. I'm really happy that you are all part of my life and you are all here for my special day. Being a Scott is not easy because whether I like it or not everyone will see not just my good sides but as well as the bad sides but because you are all taking care of me.. and guiding me.. Nalagpasan ko ang lahat. Maraming salamat sa inyo." Nakangiti kong wika.

Nagpalakpakan silang lahat at abo't langit ang saya sa puso ko.

Nagsimula na ang party at nauna dito ang eighteen candles. Halos mangiyak ngiyak ako sa mga nagsalita pero syempre tatlong tao talaga ang inabangan ko.

"Ina! Happy Birthday! You're eigteen na, pwede ka ng magboyfriend! Joke lang po Tito Luke! Sana ma reach mo ang dreams mo.. You deserve to be happy, thank you for everything. Sa ating tatlo nila Bea pinaka childish ako pero ako ang pinaka nangangailangan ng gabay at naramdaman ko na lagi kang nandyan kaya maraming salamat. Kahit anong mangyari mahal na mahal kita Alina!" sabi ni caly habang naiiyak ay yinakap ako.

Si Bea ang sumunod na umakyat ng stage. Damn.. kinakabahan ako sa magiginh itsura ko pagkatapos nito.

"Ina! Alam ko ma marami na tayong pinagdaanan pero mas marami pa ang mangyayari in the future pero sana tandaan mo na nandito lang kami. Sino sino pa ba ang magtutulungan kung hindi tayo diba? Pag may nanligaw sayo.. Alam ko na kay Chand at Kuya Third dadaan pero syempre dapat may say din kami. I hope na forever tayo best! Happy Birthday! I love you!"

Habang umiiyak ay natatawa din ako sa mga sinasabi niya. Lumapit siya sa akin at yinakap ako. Para naman akong uhuging bata nito. Mas napaiyak ako nung si mommy na ang umakyat.

"Hey princess.. I dont know where to start.. Nung pinanganak ko ang kuya mo, I was really happy because of course I have our two favorite boys with me pero nung pinanganak ka na.. I was complete, ikaw ang kumompleto sa amin sa bahay. Proud ako sainyo ng kuya mo lalo na at nadagdagan tayo sa pamilya.. Alam ko na mahirap ang mga pinagdaanan natin pero I'm proud of you kasi you are so strong. Please kahit anong mangyari stick to your brothers. Always remember the things that I taught you. Happy Birthday princess. I love you." sabi ni mommy at ako naman ay puro punas sa mata ang ginawa. Umiiyak din siya at nagpalakpakan ang mga tao.

It's time for 18 roses now.. mostly ay mga kaklase at mga pinsan ko ang nag sayaw sa akin. Sinayaw ako ng dalawang lolo ko, kuya taemin at syempre ang limang tao na parte ng buhay ko ngayon, hindi lang sa akin kung hindi sa mga mahal ko din sa buhay.

"Hey Ina!" Bati ni Zicko sa akin at sinayaw ako.

"Hoy Zicko.. Wag mong sasaktan si Caly ah" sabi ko sakanya at tumawa naman siya. Tango tango ang kanyang sinagot.

"Of course.. I don't know. I'm afraid na iwan niya ko, we all know kung anong nangyayari" sabi niya and I can see na he is true with his words.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now