Chapter 1

6.1K 204 50
                                    

"Doktora, kanina pa po kasi tumutunog yung telepono niyo, hindi niyo po ba sasagutin?" Marahan kong binaba ang librong inihaharang ko sa aking mukha kanina pa. Bahagyang napa-atras si Paula nang makita niyang basang-basa na pala ako ng luha. Ani mo'y umiyak ako ng itim na tinta dahil sa kumalat kong mascara.

"Si Philip lang 'yan... hindi ako marupok para sagutin siya." Umiiyak kong sabi bago muling itago ang mukha ko sa malaking libro.

Binalak ko talaga ang magbasa ng libro ngayon pero hindi ko magawang mag-focus. Si Philip pa rin yung iniisip ko dahil lutang pa rin ako sa nangyari, "Your parents are calling you po, pati na rin po yung mga kapatid niyo sa group chat, asking for a facetime."

I lay down my book again when I heard that, "Ano bang meron? Bakit ba sila tawag nang tawag?" I asked. Tanging pag kibit balikat lang ang sinagot sa'kin ni Paula. Binuksan ko ang drawer ko para kunin ang make up removal ko. Nang matapos kong burahin ang make up ko ay agad kong binalak ang pagtawag sa bahay.

I should call them, mukhang seryoso dahil hindi naman sila tatawag, kung hindi. "Patingin nga?" She handed me my phone pero bago ko pa mabuksan yun ay agad na may kumatok sa pinto.

Binuksan iyon ni Paula kaya't tinuloy ko ang pag bukas ng phone ko. Bumungad sa'kin ang ilang missed calls na halos umabot ng isang daan. May emergency ba?

"Doktora, pinapa tawag daw po kayo–" I cut her off at mabilis na tumayo.

"Wait lang ha. Tatawag lang ako sa bahay," sabi ko. But there's something wrong with Paula's facial expression. Tumingin ako sa kanya, naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

"Pinapatawag daw po kayo ng head." Lalong dumami ang tanong ko nang marinig ko 'yun kay Paula. Tumatawag sa'kin ang pamilya ko tapos pinapatawag ako ng head? What's happening?

Wala akong nasagot kundi pagtango at pagngiti pero nagtataka na talaga ako sa nangyayari.

I quickly wore my coat before I tapped Paula's shoulder. "Wait here, I'll be back," I said. Binigay ko rin sa kanya ang aking telepono bago ako lumabas.

"Sige po," sagot niya.

Agad akong lumabas para sumunod sa assistant ni Head. Yun ang nakasanayan naming tawag sa kanya dahil hindi niya gustong tinatawag siya sa kanyang pangalan. Napansin ko ang panginginig ng aking kamay pati na rin ang mga pawis sa mga ito. For sure, this is a serious problem or something. Hindi naman nagpapatawag si Head kung hindi ito seryoso.

Tumigil kami sa tapat ng elevator habang sunod-sunod niyang pinindot ang hall call button. Habang naghihintay kami, napukaw ng mga nurses ang atensyon ko. Kanina pa nila akong tinitingnan at kanina pa rin sila nagbubulungan. Pati na rin ang ibang nurses na dumadaan sa aking likuran ay may mabigat na tingin sa'kin.

Tiningnan ko ang aking sarili sa repleksyon ng elevator para tignan kung may mali ba sa itsura ko ngayon. Maayos naman ang suot kong damit at hindi naman ito ang unang beses na naglakad ako rito ng walang suot na make up. Anong problema nila?

Tinapunan ko sila ng tingin at nang mahuli ko silang nagbubulungan habang nakatingin sa'kin, ay agad ko silang tinaasan ng kilay. Pareho silang tumungo dahil sa ginawa ko.

Lalapit na sana ako sa kanila nang biglang bumukas ang elevator. Muli ko silang tinaasan ng kilay bago ko sila tingnan mula ulo hanggang paa. Nang gawin ko 'yun ay agad silang naghiwalay kaya't pumasok na ako ng elevator. Those bitches, duwag pala.

Tanging masamang tingin lang ang ibinabato ko sa kanila pero sa totoo lang, sinasakal ko na sila sa isip ko. Kainis! Nastress tuloy ang ganda ko.

"Anong nangyayari sa mga tao ngayon?" tanong ko sa assistant ni Head pero sinagot niya lang din ako ng kibit balikat. I rolled my eyes at her before crossing my arm. Sa totoo lang, na we-weirdohan ako sa mga kilos nila. Parang halos lahat sila ay nandidiri sa'kin.

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon