Chapter 38

1.1K 54 4
                                    


Vineapple Café

Medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na nag-order ako ng caramel macchiato. Dalawang kape pa lang kasi ang nasusubukan ko, espresso at cappuccino. Paano kung hindi ko magustuhan itong caramel macchiato? Sayang naman kung gano'n.

Wala akong choice. I paid for this, kaya kailangan kong inumin 'to. Sa totoo lang, kanina ko pa tinititigan 'tong kape na 'to. Hindi ko alam kung mainit pa ba s'ya o malamig na.

Alam ko ang pakiramdam ng hindi pinanindigan. Ayoko iparamdam sa kape. Kawawa naman.

Dahan dahan kong dinampi ang aking labi sa kape at nang mapagtanto kong sakto lang ang init nito ay agad ko na itong tinikman.

Sandali akong natigilan, tila ba pina-process ng utak ko ang lasa ng kape na in-order ko. Hindi siya gano'n kapait, hindi rin naman gano'n katamis. Sakto lang.

Bahagya akong tumango bago ako muling humigop sa tasa ko. Marahan ko iyong ipinatong bago ko iikot ang paningin ko sa mga taong lumalabas at pumapasok dito sa café.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing malungkot ako ay dito ako dinadala ng mga paa ko. Malaki ang naging parte ng café na 'to sa pag stay ko rito sa Brooklyn. Kapag masaya ako, malungkot, naguguluhan, at miserable, nandito ako.

Naalala ko bigla 'yung lalaking nakilala ko rito sa lugar na 'to. 'Yung lalaking masungit na muntik na 'kong kasuhan dahil lang sa isang libro. 'Yung lalaking nagligtas sa akin. 'Yung lalaking tinanggap ako kahit marami akong nagawang pagkakamali. 'Yung lalaking minahal ako nang sobra.

Marami akong iniisip ngayon kaya't magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kaya't minabuti ko na lang munang lumabas para maipahinga ang utak ko. Dito sa labas, nakakakita ako ng tao, nalilibang ako.

I didn't expect that our relationship would end up like this. Hindi ko inakala na 'yun ang magiging dahilan nang paghihiwalay namin.

Dior is my safe haven.

I saw the future in his eyes.

Hiniling ko siya sa Diyos.

That's why I didn't expect that it would turn out this way.

I never see myself ending our relationship. Dahil sa kanya ko na nakita lahat ng gusto kong mangyari sa buhay ko. Ang ikasal at magkaroon ng pamilya kasama siya.

But everything changed.

Nawala bigla ang paghanga ko sa kanya.

I can't stay with the man who always doubts me. Hindi ko kayang mag stay sa isang relasyon na puno ng paghihinala. Hindi ko kailangan ng partner na mas pinaniniwalaan pa ang iba kaysa sa mismong girlfriend niya.

Alam ko naman na mahirap paniwalaan ang isang tulad ko. Pero bilang partner ko, sana naman naniwala siya sa'kin.

Sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Sino nga ba naman ang kaya pang magtiwala sa babaeng minsan ng naging kabit? Sa babaeng minsan na ring nagsinungaling at nanira ng pamilya.

An attractive woman appears in front of the counter. Maputi, maganda, matangkad, at may kulay rosas na buhok. Pumunta sa tabi niya ang ilan sa mga staff na may dalang cake. Kung hindi ako nagkakamali, tigi-tigisang order iyon.

"I'm Kate, the owner of Vineapple Café, and I want to thank everyone for continuing to love our coffee and pastries. Today is Vineapple's fifth anniversary, and as we celebrate, I would like to return the favor for staying with us until today. Accept this cake and this letter capsule as our appreciation. Again, thank you, and enjoy!" Ngumiti siya nang sabihin niya iyon.

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon