Chapter 12

2.4K 109 4
                                    

Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon lalo na ngayon, kaharap ko na ang taong dahilan kung bakit ako nandito sa Brooklyn. Hindi ko akalaing mahahanap n'ya ako kahit napaka-laki ng lugar na 'to.

Gumigilid ang mga luha ko, naaalala lahat ng ginawa niya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit wala man lang saya na nararamdaman ang puso ko. Puro galit at tampo lang dahil sa ginawa n'ya sa'kin sa Pilipinas. Umuulit lang lahat sa isip ko sa tuwing tumitingin ako sa mga mata n'ya.

"Claudette?" Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ni Dior.

Marahan akong tumingin sa kanya bago ko muling ipaling ang tingin ko kay Philip. "Why don't you answer his question, Clau?" Sinamaan ko ng tingin si Philip bago ko siya irapan.

I held Dior's arm, "Umalis na tayo, Dior."

Hinila ko ang kamay ni Dior para umalis but Philip pulled my hand and tried to kiss me. Mabilis siyang tinulak ni Dior dahilan para mahalikan niya lang ako sa pisngi. Mabigat nilang tiningnan ang isa't isa bago marahang umatras si Philip para ngumisi. Dior didn't pay attention to him at mabilis na lumapit sa'kin.

"Are you okay?" Hinawakan niya ang pisngi ko at maigi itong tiningnan to check on me. Marahan akong tumango at nang muli kong hihigitin si Dior, Philip pushed him.

"Philip, ano ba!" sigaw ko.

"Bakit ayaw mo 'kong kausapin? Dahil ba sa lalaking 'yan, ha!" Mabilis akong hinila ni Dior para mapapunta ako sa kanyang likuran.

"Don't you dare raise your voice at her. Sino ka ba ha?" Umigting ang mga panga ni Dior habang maangas na tinitingnan si Philip. Wala akong magawa kundi higitin nang higitin ang kamay ni Dior pero walang wala ang lakas ko para magawa 'yun.

Pumagitna ako sa kanilang dalawa dahil pinagtitinginan na kami rito sa park. I don't know how to stop them lalo na't napaka-laki nilang dalawa para magawa 'yun. I put all of my strength to push Dior dahil maiipit lang naman ako ng dalawang malaking tao na 'to if I didn't do that.

"Because I kissed her, is that the problem?" Umirap ako bago ko marahang itulak si Philip. Nararamdaman kong kahit na anong oras ay bibira ng suntok 'tong si Dior dahil sa pang-aasar niya. Ayokong may masaktan sa kanilang dalawa dahil lang sa'kin.

"Philip, pwede ba, tama na! Umalis ka na!"

I tried pushing him and convincing him to stop but he kept on teasing Dior.

"Bakit mo ba pinagtatanggol 'yang lalaki na 'yan, ha? Is he your new victim? Is he a married man too? Oh come on, hanggang ngayon nakikihati ka pa rin."

Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya bago ako muling tumingin sa kanya. Uminit ang mga mata ko at gumilid ang aking mga luha.

Hindi ko inakala na sasabihin 'yun sa'kin ni Philip dahil noon, isa s'ya sa mga taong nagsasabi sa'kin na hindi ko kasalanan na nakihati ako kay Olie. S'ya ang nagsabi sa'kin na gagawin n'ya akong prinsesa ng buhay niya kapag nakakuha na s'ya ng lakas ng loob iwan si Olie. Sinabi niya sa'kin noon na he never see me as a mistress, dahil isang asawa ang turing niya sa'kin. Nagiisa at walang katapat na asawa.

But where did all that came from?

In just a split second, I saw Philip lying on the grass. Hawak ang gilid ng kanyang labi na ngayon ay dumudugo dahil sa ginawang pagsuntok sa kanya ni Dior. Mabilis akong napahawak sa bibig ko nang makita ko ang nangyari. Naramdaman ko na gusto pang lumapit ni Dior kaya mabilis kong hinila ang braso niya para pigilan siya, "Tama na, Dior."

"I'm not a married man! I'm not an idiot like you who made her a mistress for no reason. I have the guts to give her my name and tell the world that I love her and would sacrifice my life for her. And don't call her a mistress again because you made her do it in the first place!"

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon