Chapter 19

2K 100 2
                                    


Ilang oras na 'ko rito sa café at hindi ko pa rin magawang tanggapin na hindi ako nakaupo sa pwesto na madalas kong inuupuan kapag pumupunta ako rito. Muli kong nilingon ang couple na nakaupo ron at masayang-masaya silang naghaharutan. Habang ako, hindi ko ma-feel ang pag-ka-kape ko.

"Mag-be-break din kayo," Bulong ko. Pumaling ako sa bintana na nasa gilid ko, pinapanood ang mga taong lumalagpas sa harap ko. Walang gana akong humigop sa kape ko at ganun din sa pagkagat sa cookies na in-order ko.

Si Philip ang nagluto ng breakfast kaya itong Vineapple café na naman ang tinakbuhan ko.
Na-enjoy niya yata ang pagluluto ng breakfast dahil nakikita niya akong na-a-asar. Nagpapagabi na rin ako ng uwi dahil nasisira ang araw ko kapag nakikita ko s'ya.

"Uy, Claudette!"

Nilingon ko ang boses na 'yun. Bumungad sa'kin si Tara na kumakaway habang bitbit ang order niya. Kumaway din ako sa kanya at tinuro ang upuan sa harap ko para dito na siya umupo.

"O-order ka ng coffee para sa employees?" Tanong ko nang ilapag niya ang kape niya.

"Ay hindi. Na-miss ko lang magkape rito kaya dito na ako dumaretso." Paliwanag niya.

"Buti naman pinayagan ka ni Dior. Deserve mo rin mag-rest, hoy."

"Kaya nga e. Sa lahat ng naging boss ko, si Dior ang pinakamabait." Humigop ako sa kape ko bago ako tumango sa kanya.

Totoong mabait si Dior. Kaya nga siya pasok sa standards ko– este kaya nga siya pinagpapala kasi may mabuti siyang puso. Ano ba, Claudette!

Tara grabbed her coffee and took a sip of it. Napansin ko ang makintab na pilak na singsing sa kanyang kanang kamay. My forehead creased as I looked closely at it.

"You're married?" Tanong ko. Mukhang bata pa 'tong si Tara, maganda rin ang hubog ng katawan, kahit sino yata masasabing mukha lang siyang teenager.

"Yes." Nanlaki ang mata ko nang marinig ko yun.

Hinablot ko ang kamay niya para malapitang tingnan ang singsing niyang may malaking diamante sa ibabaw. Napakalaki ng bato, simple lang siya pero ang lakas ng dating ng singsing niya.

"Ang ganda, Tara. I didn't know that you were married. Mukha kang teenager."

"Ang dami ngang nagsasabi, e. Kung hindi ko pa ipakita ang pictures ko nung buntis ako, hindi sila maniniwala."

Tara showed me some of her pictures while she's pregnant. Ang ganda ganda niya pa rin kahit nung buntis pa s'ya. Sa hubog ng katawan nitong si Tara, hindi mo talaga mahahalata na may anak na siya.

"You know what, I found a book in Dior's bookshelf, wait." I quickly opened my bag to get the book I'm talking about.

Lumaki ang mga mata ni Tara habang naka-takip ang kamay niya sa kanyang bibig. She slowly accepts the book before looking at me. "What did you say? Sa bookshelf ni Air?" My forehead creased as I nod.

"Nagandahan kasi ako sa blurb kaya hiniram ko sa kanya,"

"He let you touched his things? At pinahiram pa sa'yo?" Muli akong tumango habang nagtataka.

She chuckled before reading the blurb of the book. "Bakit ba gulat na gulat ka? Mabait naman si Dior, nagpapahiram siya. Try mo next time," I said before taking a sip of my coffee.

"Alam mo bang isa 'yan sa pinaka-ayaw ni Air?"

Napatigil ako sa pag-inom bago ako marahang lumingon kay Tara, "Ang alin naman?"

"He hates other people touching his things, ang ipahiram pa kaya?"

"Seryoso ba?" She simply nodded while exploring the book I gave her. "Hala nakangiti pa s'ya nung hiramin ko 'yan, e."

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon