Chapter 9

2.3K 102 3
                                    

Claudette

I'm just watching the rain fall down on our window, sipping at my coffee, and listening to the horns of passing cars. Hindi ko alam pero sa tuwing umuulan, nalulungkot ako.

Hindi ito ang nakasanayan kong view kaya siguro nalulungkot ako sa tuwing tumitingin ako rito. Kahit two months na 'ko sa apartment na 'to, namimiss ko pa rin ang apartment ni Kian sa Willow Street.

Sabihin na nating wala pang isang buwan ang naging stay ko ron pero malaki pa rin ang naging parte ng apartment na 'yun sa puso ko. 'Yun ang apartment na tumanggap sa'kin sa unang apak ko rito sa Brooklyn.

At saka, ang ganda kaya ng view ng kwarto ko ron, malapit din ako sa mga masasarap na kainan at malapit din ako sa Brooklyn Bridge. Isa sa mga lugar na pinanghihinayangan ko nung pinili kong umalis.

Isa lang naman ang dahilan nang pag-alis ko sa lugar na 'yun...

It's because of one guy who nearly stole my heart...

Everytime na nakikita ko ang apartment na 'yun, palaging sumasagi sa isip ko yung mga memories namin. The memories I never thought that I wanted to forget. Madalas kami mag-bonding ni Dior sa Brooklyn Bridge at sa mga food stall malapit dun and it hurts me every time I passed by to that place. At 'yung mga memories na 'yun ang nagtutulak sa'kin bumalik sa Willow Street.

Hindi na 'ko marupok, 'no. I also realized that I shouldn't limit myself lalo na't ilang buwan nalang ako dito sa Brooklyn.

Isang maganda at mapayapang stay ang ginusto ko. Pero heto ako, parang wanted dito sa Brooklyn dahil sa dalawang tao na pinagtataguan ko. 'Yung isa ay yung ex kong hindi maka move on sa ganda ko. Pumunta pa rito sa New York para lang guluhin ako ulit.

Ilang taon akong nakihati kay Olie, this time, I won't settle for less. Hindi na 'ko tanga tulad ng dati, iniwan ko na kaya lahat ng karupokan ko sa Pilipinas.

The other one is the person I ghosted after he confessed to me. I didn't give any explanations, I just left. Hindi pa 'ko buo that time and I'm still not ready to love again. Hello? Kagagaling ko lang sa isang masakit na break-up. May damdamin din naman ako at marunong sumunod sa three months rule.

Mabuti na rin 'yung taguan ko siya para maka-move on agad s'ya sa'kin. Naalala ko noon, oras-oras siyang bumabalik sa dati kong apartment para lang maka-usap ako. Palagi ko siyang iniiwasan at tinataguan, napagod na rin akong makita siyang nasasaktan kaya I decided to find another apartment to stay in.

"Hoy. Kumain ka na ba?" Nilingon ko si Mia, roommate ko rito sa bagong apartment na pinag-stay-an ko. I nodded at her kahit kape palang talaga ang laman ng tiyan ko for dinner. Umupo ako sa sofa at pinatong ang kape ko sa lamesita. "Grabe, nakakapagod," she added.

Ngayon lang umuwi si Mia after her shift, nurse kasi ang bruhang 'to. Na-miss ko tuloy bigla ang Ospital na pinapasukan ko ng ilang taon, na-mi-miss ko tuloy pumasok as Dr. Velasco.

Hindi lang isang nurse si Mia, isa rin siyang mapilit na chismosa.

She knows everything about me, ultimo ang pagiging kabit ko ay alam na niya. Dalawa lang naman ang rason kung bakit nalalaman ng isang tao ang sikreto ko, it's either I get drunk or someone forced me to say it.

Buti nga hindi ko nabanggit noon kay Dior na kabit ako. Dahil kung nabanggit ko 'yun, I'm sure nauna pa siyang iwan ako. Sa halip na iwan niya na agad ako because of my past, eh inunahan ko na. Pagod na 'kong maiwan sa ere.

Takte naman kasi. Pumunta ako rito para makalimot, hindi para gumawa ng panibagong rason para madurog ulit ako. I wasn't here for nothing, nandito ako para mabuhay ulit. After this, uuwi na talaga ako ng Pilipinas para ibigay ang utang kong explanasyon sa mga tao.

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon