Chapter 30

2.6K 109 26
                                    

My heart started beating so fast when a six-foot-tall man appeared in front of me. I looked into his eyes and saw how beautiful they were. My gaze landed on his nose and into his mouth. There's something clear about how I feel, and that is I missed him.

He's merely smiling while looking at me as if nothing had happened between us, as if we hadn't had a fight. When I turned my attention to his body, I noticed that he was wearing a white polo shirt that was tucked into his pants. The three buttons of his polo are unbuttoned while the sleeves are folded into his elbows.

"Love..." sambit ko.

Iniwas nito ang tingin sa'kin at tinapunan ng tingin ang upuan na nasa harapan ko. Muli n'ya akong tiningnan at nanatili s'yang nakangiti pero hindi ko alam kung bakit hindi s'ya umupo sa harap ko at mag-usap kami. Sobrang dami kong gustong itanong at ipaliwanag sa kanya.

"Hi, Ma'am, can I sit with you?"

My forehead creased.

Did he just call me Ma'am? Ano, porket ba nag-away kami hindi na niya gagamitin ang endearment namin? We just didn't talk for days, and now he's calling me Ma'am? Hindi naman kami nag-break ah...

Sandali akong napa-isip hanggang sa ma-realize ko na baka dahil galit pa rin s'ya sa'kin kaya hindi n'ya ako matawag sa endearment namin. I don't know, but when he calls me that, it hurts like hell. Parang gusto ko na lang tumayo at lisanin ang lugar na 'to.

Palihim kong inikot ang mga mata ko bago ako tumunghay at pilit na ngumiti sa kanya.

"Sure," mariin kong sabi.

Nilapag nito sa lamesa ang kape at libro n'ya bago s'ya umupo sa upuan na nasa tapat ko. He's wearing glasses, which makes him look more sophisticated. Tila ba uhaw na uhaw ako sa atensyon niya, sa yakap niya, at sa halik niya. Ilang araw kaming hindi nagkita at kahit sa telepono ay hindi kami nag-uusap. We let ourselves take a break after what happened, siguro nga ganun ang nangyari.

Na-miss kong pagmasdan ang gwapo n'yang mukha kaya't hindi ko magawang alisin ang titig ko sa kanya. Sa sobrang bango niya, hindi na mawala sa ilong ko ang amoy niya. Ginamit n'ya ang paborito kong pabango at alam n'yang kahinaan ko ang pabango na 'yun. Hindi ko alam pero kapag 'yun ang pabango n'ya ay bigla na lang akong nagiging clingy at ayokong malalayo s'ya sa tabi ko.I'm sure he's aware that that's one of my favorite scents. I think this man is teasing me...

"Do you need something, Ma'am? You've been staring at me for almost one minute." aniya.

Nang marinig ko 'yun sa kanya ay nagdikit ang mga kilay ko at agad kong ibinato ang tingin ko sa libro na hawak ko. Tinapunan ko ng tingin ang librong hawak niya at sandaling napakurap nang mapansin kong pamilyar sa'kin ang librong 'yun.

Baka nabasa ko na noon. Mahilig din kasi akong magbasa ng mga libro- teka.

He's holding the book he was reading when we first met!

Something's weird about what's happening... wait, this situation is familiar. Parang nangyari na s'ya noon, parang nangyari na siya sa panaginip.

Mali...

Hindi sa panaginip...

This is how Dior and I met. Same table, same time, same coffee. Pero isa lang ang naiiba, kung noon ay inis ang nararamdaman ko sa kanya, ngayon ay pagka sabik. Pagka sabik sa kanya, sa halik niya at sa yakap niya.

Dior smiled at me and looked at me like he wanted me to continue this familiar situation.

"No, uhm- I'm looking at your book," wika ko.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga salitang 'yun. Siguro dahil 'yun ang sinagot ko sa kanya nung tinanong n'ya ako? Hindi ko na masyadong matandaan ang mga nangyari. Naiwan ko yata sa Pilipinas ang brain cells ko at sumama sa mga iniwan kong alaala ro'n.

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon