Chapter 44

1.4K 64 1
                                    

After driving for two hours, nakarating ako ng Batangas. Hindi ako umuwi sa Manila dahil alam kong mas mauubos ako kung mag-isa ako ngayong gabi. I need someone to talk to. I need Mia.


Nag doorbell ako sa malaking bahay na nasa harap ko, at ilang segundo lang ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto, sunod itong gate sa harap ko.


Nang bumungad sa'kin si Mia ay marahan akong umupo sa malaking bato na nasa harap ng gate nila kaya't agad naman niya akong tinabihan.


"When you called me, I knew exactly what you wanted. Alam kong may problema ka. Gusto mo ng kausap. Gusto mo ng kakampi," she said.


"Ikaw lang naman ang kakampi ko," sagot ko sa kanya.


"Hindi mo 'ko kakampi, Clau. Kaibigan mo 'ko. Ang kaibigan, hindi sa lahat ng oras ay kakampi mo. Kaibigan mo 'ko, Clau, at hindi ko kukunsintihin itong ginagawa mo."


Tumingin ako sa kanya.


"You left them again. Tinakasan mo na naman sila."


Tinapunan niya 'ko ng tingin bago siya bahagyang umiling.


"You have to talk to them. Walang masama kung ipapaliwanag mo sa kanila ang nangyari. You became a mistress, and I think they want to know how and why you ended up in that situation. Malamang, they are mad at you because they are worried about you. You left six months ago, you came back, and then you left them again."


"Mali ba 'ko?" tanong ko sa kanya. 


"Mali ka," diretso niyang sabi.


"Nasanay kang tinatakasan ang lahat ng taong nasa paligid mo. Ngayon, hindi ko hahayaan na gawin mo ulit iyon sa pamilya mo. Hindi tama ang takasan mo ang mga bagay na hindi mo gustong harapin. Kaya ka nagkakaganyan kasi akala mo, ang pagtakas ang nararapat na gawin sa tuwing hindi mo na kaya. Pwede ka naman magpahinga, pero mali ang takasan mo lahat. You owe them an explanation, tapos iniwan mo ulit sila."


Niyakap ko si Mia habang umiiyak.


"Sa totoo lang, hindi naman nila kasalanan kung humihingi sila ng explanations sa'yo. You started all of this. You gave them a reason to be hurt, to be mad, to demand an explanation they never got to you. Don't leave them hanging again."


Nang marinig ko iyon lahat kay Mia ay tila ba nag flashback lahat ng ginawa ko. I remember the day I risked everything just to be someone's mistress. Nung mga panahon na tinatago ko sa pamilya ko ang kung anong meron sa'min. 'Yung panahon na pinili kong iwan siya. At 'yung panahon na pinili kong pumunta ng Brooklyn para takasan ang lahat. Naalala ko lahat. Bumabalik lahat.


Sa totoo lang, hindi naman talaga ako pumunta ng Brooklyn dahil alam kong hindi nila ako tatanggapin kundi dahil natatakot akong harapin sila. Natatakot akong saluhin lahat ng mga salitang alam kong totoo.


Parang umuulit lang ang lahat.


Ito na naman ako... tinatakasan lahat ng problema ko.


"Buti na lang nandyan ka," aniko.


"Alam mo, kanina, nag dalawang isip akong sagutin ang tawag mo. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ayokong masanay ka na nandito ako palagi sa tabi mo. Minsan kasi, kailangan mong maging independent pagdating sa mga ganyang bagay dahil hindi sa lahat ng oras ay may matatakbuhan ka. I'm not saying all of this to hurt you, but because I want you to learn. Ngayon, harapin mo ang mga taong tinalikuran mo. At matuto kang maging malakas kahit mag-isa ka. Malay mo mamatay na 'ko bukas. Pano ka?"


"Mia naman!"


Hinawakan niya ang pareho kong kamay. "I'm serious, Clau. Hindi sa lahat ng oras nandito ako."


Tumango ako at hindi na napigilan ang umiyak ulit. "Thank you, Mia."


"Now, go get your fucking keys and go back to your family," natatawa at halos maiyak niyang sabi.


Kinuha ko iyong susi ko sa aking bulsa.


"Yes, boss. Uuwi ako sa pamilya ko," umiiyak kong sabi habang nakangiti. 


Muli akong yumakap sa kanya bago ako sumakay sa kotse ko. 

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon