Chapter 29

1.6K 74 2
                                    

247 N 7th St, Brooklyn, NY 11211, United States

I wasn’t actually planning all of this, but for Dior, I did it. I love him more than anything, and I will do everything just to prove to him that I’m completely over with Philip. I won't let anything get my man away from me. I know what I did was sudden, but this is for my own good and for everyone’s own good. Sabi nga nila, kung ayaw kang layuan ng demonyo, ikaw ang lumayo.
Hindi ko alam kung bakit nagtitiwala pa rin ako. Hindi ko maintindihan kung bakit pagkatapos ng lahat ng ginawa niya sa'kin, nagawa ko pa rin ang kausapin siya. Buong buhay ko, kinulong n’ya ako sa pangalan na hindi ko naman gusto pero dahil mahal ko s’ya, hinayaan ko. I let myself be defined as a mistress because I love him. Siguro kaya ko nagagawang magpatawad ay dahil may kulang pa rin sa’kin na akala kong ang pagpapatawad ang bubuo sa’kin pero mali.

Nawasak lang uit ako.

"You can put it there. Thank you," I said. The taxi driver placed my luggage in front of the door. Binigyan ko s’ya ng malaking bayad bago siya umalis dahil marami rin ang mga gamit na binitbit niya pa-akyat.

Huminga ako ng malalim at ikinalat ang paningin sa mga gamit ko. Ngayon ko lang napagtanto na ganito na pala ka-rami ang mga gamit ko. Hindi ko naman kasi in-expect na naging gastusera pala ako rito sa Brooklyn. Nanakit ang mga braso ko kahapon nang ilagay ko ang mga gamit ko sa aking mga bagahe. Paano pa kaya kapag umuwi na ‘ko sa Pinas?

Ugh.

"Nandyan na ba lahat?" si Mia. Pinasadahan ko ng tingin ang mga gamit ko bago ako tumango.

"Yes, Mia, kumpleto na."

Lumapit ako sa kanya at ngumuso nang ma-realize kong mag-isa lang akong titira sa apartment na ‘to. Hindi ko na napigilan lumingid ang luha ko nang mapansin kong umiiyak na rin si Mia.

We've been together for months, and she's been my sister, my mom, and my best friend here in Brooklyn. Hindi ko akalain na hindi ko siya makakasama sa iisang bahay sa mga na titira kong araw dito sa Brooklyn. Akala ko ay siya ang kasama ko hanggang sa umalis na ako sa bansang ‘to at hindi ko maiwasan na malungkot kapag naalala ko na hindi sumang-ayon ang tadhana sa gusto kong mangyari.

"Payakap nga!" Binuka niya ang mga braso niya at mabilis ko naman 'yon tinanggap. Mahigpit ko siyang niyakap habang tinatapik niya ang likod ko. "I-double lock mo 'tong apartment mo ha? Si Dior lang ang pwede mong papasukin,” dagdag n’ya.

Nang marinig ko ‘yun mula sa kanya ay agad kong kinapa ang strap ng bra n’ya at hinila ito bago ko mabilis na bitawan. "Bruha ka talaga. Hindi pa nga kami ayos," sagot ko.

Kumalas siya at tinaasan ako ng kilay.

"Paano ba naman kasi 'yang si Philip. Parang buntot mo. Kung nasaan ka, nando’n din. Paano ka magsisimula ulit kung palaging nakasunod sa'yo ang nakaraan mo?"

Tumungo ako at pinaglaruan ang aking kamay.

"Mabuti na rin 'tong ginawa mo. Ikaw na mismo ang lumayo sa lalaking 'yun. Malungkot man kasi hindi na tayo magkasama sa iisang bubong bago ka umalis, eh para naman sa ikabubuti ng puso mo, para sa ikabubuti niyong dalawa ni Dior."

Para itong batang humagulgol sa harap ko kaya't hinila ko ang kanyang braso para yakapin siya. Hindi ko na rin napigilan ang umiyak ulit dahil sa bruhildang 'to.

She became my home when I felt homeless when I came here to Brooklyn. Siya ang taong tumanggap sa'kin nung mga panahon na hindi ko alam kung saan ako magtatago. Siya ang tumanggap sa'kin nung mga panahon na may dalawang lalaki akong tinataguan at hinding-hindi ko makakalimutan kung paano n’ya ako minahal at kung paano n’ya pinakinggan ang mga kwento ko at hindi man lang ako hinusgahan.

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon