Chapter 6

3K 113 2
                                    

Sa second floor ng mansion nila, may isa pang sala at may pintuan para sa Balcony. Nilulubos ko ang magandang view dito habang inaayos niya sa likuran ko ang paglalagyan ng sculpture na binili niya. City lights always take my breath away. Never ako binigo ng mga ilaw na 'yan sa tuwing nalulungkot ako. Isama pa ang mga kumikinang na bituin sa itaas at ang napakagandang buwan. Kung papapiliin ako, gusto ko rin itayo ang dream house ko sa ganitong ka-taas na lugar. Maliwanag na view sa gabi, maaliwalas at magandang view sa umaga.

"Maganda ba?" Nilingon ko siya, tumingin ako sa kanya bago siya marahang tumabi para makita ko ng maayos kung saan niya nilagay ang sculpture.

Ngumiti ako nang makita ko ang ginawa niya. Tumama ang ilaw ng buwan sa sculpture at nagsilbing spotlight nito. Tumango ako sa kanya bago ngumiti, he excitedly clapped his hand before standing next to me. Naharangan naming dalawa ang liwanag at anino naming dalawa ang humarang sa liwanag.

"It costs a lot, right?" He nodded.

He stretched his hands and held onto the railings of the balcony. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likuran dahilan para humalukipkip ako, "Brooklyn bridge have the biggest place in my heart. Ang tulay kung saan ako iniwan ng babaeng minahal ko." Nilingon ko siya at nakita ko kung gaano siya ka-seryoso sa sinasabi niya. Tumalikod ako at tiningnan ang mga bituin sa itaas.

"Kung nasaktan ka pala sa tulay na 'yan, bakit bumili ka pa ng sculpture version? Para saktan ang sarili mo?" Umiling ito habang kagat ang kanyang labi. Ginaya niya ang pwesto ko bago ituon ang siko niya sa railings.

"Nung iniwan ako ni Toni, halos magunaw ang mundo ko. I felt incomplete, I felt betrayed. After she broke up with me, she announced that she's engaged to someone else." Nang sabihin niya 'yun ay agad akong napatingin sa kanya. Ang labis kong pinagtataka, bakit parang wala akong makitang sakit sa mata niya? He's too brave para magkwento ng hindi man lang nasasaktan.

Hindi ko alam na may masakit din pala siyang past experiences, "Nung pumunta siya rito sa Brooklyn, I assumed she just wanted me to find her and tell her I could do anything for her. Pero, mali ang akala ko. She came here to get away from me. Nag-stay ako rito sa Brooklyn, sinusuyo siya para maayos yung relationship na na-build namin for eight years. But then, she told me that she's been hurting herself because she's holding into our relationship. Sinabi niya rin sa friends niya na nahihirapan na siya sa'kin, kaya I have nothing to do but to let her go."

"... Iniwan niya ulit ako rito, naiwan akong mag-isa sa Brooklyn. Kaya dito ko naisipan magtayo ng negosyo and it went well kaya dinala ko ang pamilya ko rito. If you're going to ask where is she, I don't know..." Nilingon niya ako bago ngitian, and that smile is sincere.

"Buti hindi ka na nasasaktan kapag nakikita mo ang Brooklyn?"

"No, it actually became my strength. Imagine, dyan ako iniwan ng taong mahal ko tapos itong bansang 'to ang sumalo sa'kin. You just need to accept it, kapag natanggap mo na, hindi na masakit." Kahit ganitong mga ngiti ang pinapakita niya sa'kin, ako yung nasasaktan para sa kanya. Imagine, iwan ka ng taong mahal mo na nakasama mo ng eight years.

"Sobrang strong mo, buti kinaya mo." I tapped his shoulder before giving him a wide smile. Eight years ang tinagal ng relasyon nila, at naka-move on siya agad. Samantalang ako, six years lang pero... sabagay, kahihiwalay lang naman namin.

"Ikaw, how are you and Philip? Why does it lead to break up?" Nagdikit ang mga kilay ko nang marinig ko ang pangalan na yun sa kanya. Hinarap ko siya at hinampas sa kanyang braso.

"Why did you know him? Are you stalking me? Or did you hire someone para makilala ako?" He chuckled bago ako harapin.

"It's not my fault kung madaldal ka kapag nalalasing, Ms. Claudette." Umirap ako bago umiling. "So, bakit nga kayo nag break?" He asked me again.

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon