Chapter 20

2K 76 18
                                    

“Just let me know, Mia. I-che-check ko na rin sa dati kong apartment kung may bakante pa sila.”

Kausap ko si Mia ngayon sa kabilang linya dahil naghahanap kami ng apartment na pwede naming malipatan. Masyadong masikip ang apartment na ‘to para sa aming dalawa ni Philip. Hindi ko kayang tumagal pa rito ng ilang buwan na kasama s’ya, malay ko ba kung tutuparin niya ang pangako niyang a-alis siya pagkatapos ng isang buwan. Baka suhulan na naman niya ‘yung landlady.

Alam kong hindi gusto ni Dior na umalis kami ni Mia pero hindi ko na kayang pagtiisan si Philip. Hindi ko na kayang tumira sa isang bahay kasama siya.

[Clau, may tanong ako,]

“Ano ‘yun?”

Iniwan ko ang niluluto ko at umupo para maghintay sa susunod niyang sasabihin.

[Aalis ba tayo dahil hindi mo kayang makasama si Philip sa i-isang bahay o aalis tayo para pigilan ang sarili mong mahulog ulit sa kanya? Maging totoo ka nga sa’kin, Claudette.]

Natigilan ako.

I placed my hair behind my ear before I took a deep breath.

Gusto kong umalis dahil hindi ko kayang nakikita si Philip sa tuwing gumigising ako sa bahay na ‘to. Bawat kilos ko at makita ko s’ya, bumabalik lahat ng masaya naming ala-ala. Kung paano niya ako minahal, kung paano niya ako tinuring prinsesa. ‘Yung mga rason kung bakit pinili kong maging kabit, bumabalik lahat. Pinili kong mapunta sa sitwasyon na ‘yun dahil mahal ko s’ya at dahil umasa ako sa mga plano niya para sa’kin, umasa rin ako sa mga pangako n’ya.

Pero hati ang nararamdaman ko, halo halo.

Pantay ang pagmamahal at galit na nararamdaman ko sa kanya. ‘Yung awang nararamdaman ko, nangingibabaw. Sa tuwing iniiwan ko s’ya sa umaga, sa tuwing iniiwasan at pinupulaan ko ang mga luto niya, ramdam na ramdam ko na nalulungkot s’ya. Kasi noon, ako ang unang-unang nasasarapan sa luto niya, araw-araw kong hinahanap ang luto niya at hindi ko matiis na hindi kainin ang mga luto niya.

But everything changed when I realized that I've been his mistress for six years. Na-realize ko na umabot na pala ng anim na taon ang paghihintay ko sa mga pangako n’ya. Kahihintay kung kailan matutupad lahat ng pinangako n’ya.

Every second, I’m waiting for him to fulfill his promises.

[Huy,]

Nagising ang diwa ko nang marinig ko si Mia.

[Nandyan ka pa ba, Clau?]

Inalis ko ang telepono ko sa aking tainga bago ko ito patayin. Hindi ko na siya nagawang sagutin dahil hindi ko rin naman gustong pag-usapan ang tungkol don. Basta ang mahalaga, aalis na kami rito.

Maayos naman ako nung wala pa rito si Philip sa Brooklyn. Wala akong ganitong problema.

“Claudette!” Napa-hawak ako sa aking dibdib at napa-yakap sa aking telepono nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Philip. Mabilis akong tumayo nang makita ko s’yang tumakbo papunta sa niluluto ko.

Napahawak ako sa aking bibig nang makita ko ang malaking apoy. Halos hindi ko na makita ang kawali at sandok dahil sa laki ng apoy at sa kapal ng usok nito. Mabilis ang tibok ng puso ko at di magawang tulungan si Philip sa pagpatay sa apoy dahil tila ba dumikit ang mga paa ko sa sahig. Hindi ko magawang tulungan si Philip o kahit humakbang paalis sa pwesto ko.

Philip got the fire extinguisher to kill the fire. Hanggang sa maramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko dahil sa takot. Bakit hindi ko man lang napansin? Bakit hindi ko man lang na-amoy?

Paano na ‘ko kung wala si Philip?

Baka nasunog na ang buong building dahil sa’kin. Baka nadamay pa ang mga tao sa building na ‘to kung hindi napansin ni Philip ang apoy. Napakaraming what ifs ang pumapasok sa isip ko.

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon