Chapter 5

3.8K 131 8
                                    


Claudette

Nakangiti akong nakatingin sa labas habang tinuturo at pinakikilala sa'kin ni Kacey ang mga gusali at lugar na pwede naming pintuhan. Gusto ko ang ugaling meron si Kacey, mahilig din siyang gumala katulad ko. Kagaya ng sabi ko, wala talaga akong alam sa Brooklyn at hindi ko akalain na mas gugustuhin kong mag-stay pa rito ng matagal dahil sa mga nakikita ko.

"There's a lot of bars and nightclubs here in Brooklyn. If you have time, let's visit them and have some fun." Nakita ko sa rear view mirror ang pag-ikot ng mata ni Dior. Napag-hahalataan talaga na isang workaholic ang lalaking ito.

I chuckled before I answer her, "I always have time, Kacey." Nakita ko ulit ang pag-ikot ng mata ni Dior dahilan para mapa-kagat labi ako at mapa-ngiti.

He's cute. Pareho sila ni daddy ng ugali. Napawi ang ngiti ko nang biglang pumasok sa isip ko ang pamilyang tinakasan ko sa Pilipinas.

Hanggang ngayon wala akong balita sa kanila, hindi rin nila alam kung nasaan ako. Bago kasi ako umalis ng Pilipinas, binilin ko kay Paula na siya na ang bahala magpaliwanag sa pamilya ko. Na siya na ang magsabi na nandito ako sa New York para lumayo sa gulo at makalimot sa sakit.

Kahit alam kong nandyan si Paula para ipagtanggol ako, alam ko sa sarili ko na may utang pa rin akong paliwanag sa kanila.

Tingnan mo nga naman, nang saktan ni daddy si mommy para sa isang babae, halos i-sumpa ko ang kabit dahil sa ginawa niya sa pamilya ko. Hindi ko inakala na pinili ko rin palang maging isang kabit katulad ng taong sumira sa pamilya ko.

Tuwing naiisip ko na naging isa akong kabit, palaging sumasagi sa isip ko si mommy. I shouldn't-

"We're here," Dior said. Napatingin ako sa rear view mirror at nakita kong nakatingin siya sa'kin.

I'm sure he noticed that I have watery eyes.

Agad ako nitong nilingon habang nakatuon ang siko niya sa sandalan ng kanyang upuan. "Are you okay?" Napatingin na rin sa'kin si Kacey nang itanong yun sa'kin ni Dior.

Nagpanggap akong hindi alam ang dahilan ng tanong na 'yun at mabilis na binuksan ang pintuan ng sasakyan, "Of course!" nang sabihin ko 'yun ay mabilis akong bumaba.

Bahagya akong napa-iling bago ayusin ang damit ko. Nalukot tuloy ang damit ko dahil sa matagal na pagkaka-upo. Bakit ba madalas na nasa akin ang atensyon nitong si Dior.

Natigilan ako bigla nang bumungad sa'kin ang napakagandang paligid, bumungad din sa'kin ang isang mansyon.I wouldn't be surprised if they live here. Kacey told me that Dior is really a workaholic person, na may magaling na utak itong si Dior pagdating sa negosyo.

Agad kong kinuha ang phone ko to take a picture. Sa halip na gawin kong background ang mansyon ni Dior, mas pinili ko maging background ang malaking halaman sa gilid nito. I put my chanel bag on the floor at sinandal ang phone ko ron.

Nag-set ako ng timer at nagmadali sa pag-po-pose para makapag capture ng magandang angle. Sayang naman kung hindi ako makakapag-picture ngayon, ano.

Maganda ang outfit ko ngayon. Today, I'm wearing white sweatshirt that I bought from the Philippines, and a white skirt from Chanel. Na-miss ko mag-outfit ng ganito, hindi ko kasi masyado nasusuot ang mga 'to kapag nasa Pilipinas ako. Hindi na rin masyado ganun kalamig kaya ito ang outfit na napili ko.

Tinuloy ko ang aking ginagawa nang biglang damputin ni Dior ang bag at phone ko. Natigilan ako sa pag-pose at pinanood ang ginagawa niya, sinakbit nito sa kanyang balikat ang bag ko and he aimed my cellphone camera at me. Nagdikit ang mga kilay ko dahil sa ginagawa niya.

"Uhm, okay na. I already got the angles I want," Pagpapanggap ko. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung may maganda na ba akong kuha ron.

Akma kong kukunin ang phone ko pero mabilis niya itong iniwas sa'kin. He handed me my bag and gave me a smile. "Don't be shy. Come on, it's a nice background," I chuckled and slowly looked at him.

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon