Chapter 13

2.3K 128 8
                                    


Marahan akong bumaba ng sasakyan, sinabit ko ang itim kong bag sa aking braso bago ko hawiin ang buhok na nakapatong sa aking balikat. Kahit pag ngiti ay hindi ko magawa dahil sa galit at inis na nararamdaman ko ngayon.

My mom called me before I went here. She want to talk to me at dahil makulit si Philip, kami ni Mama ang nag-adjust.

I wore red heels that went with my black and white striped pants and black turtleneck top. Actually, I have no time for this, I don’t know what’s on his mind right now.

And I just don't understand why the hell should I be the one to fix his mess?

Nakalimutan niya yatang wala na kami. Kung hindi lang ako nahihiya sa may-ari ng bar, hindi ako pupunta rito.

I walked into the bar with a solemn expression on my face at lahat sila ay napatingin sa’kin. Narinig ko pa ang sinabi ni Philip nang pumasok ako sa bar.

“My girlfriend is here,” aniya.

I smirked before I rolled my eyes at him. Hanggang ngayon, hindi pa rin natatanggal sa kanya ang ka-yabangan. Parang nakalimutan na niya ang pang-gu-gulong ginawa niya sa’min ni Dior kagabi.

“Hi, my name is Claudette. I’m his ex,” Nanlaki ang mga mata ng staff nang sabihin ko ‘yun. Bumaba ang tingin ni Philip sa sahig, napawi rin ang ngiti niya bago bahagyang tumikhim.

“H-have a seat, Ms. Claudette.” He stuttered. I think he is the manager.

Philip removed his things on the chair beside him before he held out his hand. Hindi ko pinansin ang ginawa niya at sa halip ay kinuha ko ang upuan na nasa kanyang likuran. Marahan kong nilagay ang upuan sa harap ng owner at ng manager bago ako umupo.

“I’m just here to pay for the damage he caused last night. I had nothing to do with what he did. I'm just here to settle the problem. So if you have an issue with him, talk to him.”

Binato ko ng nakaka-asar na tingin si Philip bago ko muli ibaling ang atensyon sa manager at sa owner ng bar.

“Mr. Philip told us that he can’t pay for the things he destroyed last night, that's why we called you because he said, you're his girlfriend and you can help him to pay for the expenses-” Philip cut him off, which is why I threw a glare at him.

He curved his back and rested his right hand on his thigh. "I'm just really upset seeing you with another man. We didn't break up, right? I didn't agree with your decisions."

Tiningnan ko siya na para bang hindi makapaniwala sa kabastusan na pinapakita n’ya ngayon. Ganito ba siya ka-desperado para lang mag-usap kami?

Dito niya talaga sinasabi? In front of strangers?

I gave him a serious look when I realized that this may be his another plan to ruin my life. Mukhang tama nga yata ang hinala namin ni Mia. Gumagawa na naman siya ng paraan para magkalapit ulit kaming dalawa.

Pinaling ko ang atensyon ko sa mga taong kausap ko kanina.

"How much do I need to pay?" Pilit akong ngumiti.

Marahan nitong nilapag sa tapat ko ang resibo na agad ko ring tiningnan. Nakalagay dito lahat ng mga nabasag at nasira niya kagabi. I never thought that it would cost a lot. Hindi basta pinupulot ang pera, this money is from my businesses in the Philippines. Matatanggap ko pa sana kung gagastusin ko ‘to sa isang branded bag.

I opened my bag to get my wallet. Buti nalang nag-withdraw ako kahapon, hindi ko inakala na dito ko pala siya magagastos.

Marahan kong nilapag yung pera sa lamesa, "Here."

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon