Chapter 11

2.5K 118 7
                                    

"Ikaw..." sambit ko.

Gusto kong tumakbo palayo sa kanya. Parang gusto ko nalang magpanggap na hindi ko siya nakilala dahil puro kahihiyan lang din naman ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Gustuhin ko mang gawin ang mga plano ko pero tila ba may pumipigil sa aking mga paa.

It feels like my feet are glued to the ground.

Marahan nitong hinubad ang coat niya bago niya ito isakbit sa aking mga balikat. Tumingala ako sa kanya, nilahad niya ang kamay niya at marahan ko naman itong tinanggap. Ang lakas maka-legend of the blue sea ng eksena namin ah.

Ano ba, Claudette.

Hinatak niya ako pa-tayo at agad niya 'kong sinalo gamit ang mga yakap niya. Mahigpit niya akong kinulong sa yakap niya kaya't wala akong nagawa kundi idantay ang ulo ko sa kanyang dibdib. I never thought na magkikita kami ngayong gabi at sa ganito pang paraan.

Nakakahiya.

"Are you okay?" Nakakagaan loob na tanong niya.

Marahan akong tumango pero iwas pa rin ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nagawa niya pa rin akong kausapin ng ganito pagkatapos ng ginawa kong pang-iiwan sa kanya sa Empire state building.

"Enough with that, Claudette. Wipe your tears," he said as he handed me a handkerchief and placed my hair behind my ear.

Agad kong sinunod ang sinabi niya. Marahan pa 'kong tumingin sa kanya bago ko singahan ang panyong binigay niya. Bahagya itong tumawa kaya't hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na mapa-ngiti.

"Halika na, may pupuntahan tayo." Nilahad niya ang kamay niya sa tapat ko. Ilang segundo akong natulala bago ko ito marahang tanggapin.

Hawak-hawak niya lang ang kamay ko habang tahimik kaming naglalakad. Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa dahil nagkita kami ulit o dapat akong ma-konsensya dahil kahit ganun ang ginawa ko sa kanya, nagawa niya pa rin akong tratuhin ng ganito.

His car illuminated the street when he pressed the key. Sa kotse palang ni Dior, masasabi mo talagang sucessful ang buhay na meron s'ya rito sa Brooklyn.

Marahan niya akong hinila palapit sa pintuan ng kotse niya. Pinagbuksan niya muna ako at hinayaang makaupo bago siya sumakay.

Habang abala s'ya maialis ang sasakyan niya sa pagitan ng dalawang kotse, abala naman ako sa paghila ng zipper ng dress ko. Hanggang sa mapansin kong tinigil pala ni Dior ang ginagawa niya at nakangiti akong tinitingnan.

Binitawan niya ang manibela at pumaling sa'kin, "Let me help you," aniya.

"A-ah s-sige." I stuttered. Marahan akong tumalikod bago ako huminga ng malalim. Naramdaman ko ang daliri niya sa aking batok nang hawiin niya ang buhok ko papunta sa aking balikat.

I can see his reflection on the window of his car. Naramdaman ko ang malamig niyang kamay na dumampi sa aking likuran, nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin at marahang kinapa ang zipper ng dress ko para hilahin ito paitaas.

He tapped my back before I removed my hair from my shoulder, "Thank you..."

Nginitian niya ako bago siya seryosong bumalik sa ginagawa niya kanina. Wala akong ideya kung saan kami pupunta, alam ko namang hindi niya 'ko bibiguin kaya't hahayaan ko siya kahit saan niya ako dalhin.

Ilang minuto lang din ay agad kong natanaw ang Brooklyn Bridge na matagal ko ng hindi nakikita. Mabilis kong nilingon si Dior, nginitian niya ako pero tanging mga luha ang nai-sukli ko sa kanya.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng tadhana, hindi ko alam kung bakit nagtatagpo pa rin ang landas namin ni Dior kahit ilang beses kong hilingin na wag nalang.

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon