Chapter 58

657 37 1
                                    

"P-Paano mo naman nasabi na may babae si Dior?"

Ka-video call ko ngayon si Mia habang inaayos ko ang kama namin ni Dior. Nagtalo kami kanina at muntik ko na mabanggit sa kanya na naghihinala ako baka may babae s'ya. Buti na lang talaga napigilan ko ang sarili ko.

Pinatong ko sa side table ang telepono ko bago ko balikan ang pag aayos ng bedsheet ng kama. Nag senyas ako kay Mia na 'wag siyang maingay dahil baka biglang umakyat si Dior at marinig ang pinag uusapan naming dalawa.

"Lock the door first, Clau, nanggigigil ako ha!" Inis nitong utos sa'kin na agad ko rin naman sinunod. "So pa'no mo nasabing may babae 'yang si Dior?" Tanong niya nang makabalik ako sa harap ng telepono ko.

"Napansin ko kasi na madalas siyang nasa telepono. Kapag tinatanong ko kung sino kausap niya, si Tara lang naman daw. At tungkol daw sa work. At saka, nagbago siya ng password ng phone. Tapos kapag hinihiram ko naman, ayaw niyang ipahiram. Kapag naman pinahiram niya, nakabantay siya sa mga ginagawa ko sa cellphone niya kaya hindi ako makapag halungkat."

Ngumuso ako at bahagyang nagbuntong hininga.

"Hindi ba siya ganyan noon?"

"Hindi. Minsan nga basta na lang niya iniiwan ang phone niya sa harap ko. Tapos ngayon, parang naka-glue na sa kanya 'yung phone niya." Muli akong ngumuso. "Iniisip ko tuloy na baka ito na talaga 'yung karma ko... Baka ito na 'yun, Mia..."

Hindi ko na napigilan ang sarili at tumulo na nga ang luha ko. Nag init ang aking mga mata at patuloy na bumuhos ang mga luha. Pa ulit-ulit ko iyong pinunasan pero patuloy pa rin ang pagpatak nito sa pisngi ko. I don't want to invalidate what I'm feeling, but maybe I deserve this?

"Tumahan ka na..." Malambing na sabi ni Mia. "Wish I could hug you right now," Dagdag pa niya.

"Nasasaktan lang kasi ako, Mia, baka ito na 'yung karma ko talaga."

"Kung karma pa rin 'yan, grabe naman at unli ang karma mo. Hindi pa ba sapat 'yung mga naranasan mo para mabayaran lahat ng 'yun?" Ngumuso ako't nag kibit balikat bago ako muling humagulgol sa harap niya. "Tama na 'yan, 'wag ka na umiyak. Wala pa naman tayong ebidensya. Kapag nakita mong may kahalikan na ibang babae si Dior, o may ka-text, o may palihim na katawagan, saka ka humagulgol sa harap ko. Okay?"

Tumango ako at agad na pinunasan ang mga luha kong nagbadya. Tama naman si Mia, wala akong ebidensya para umakto ng ganito. Natatakot lang talaga ako na maging tama ang hinala ko. Hindi ko kakayanin kung lolokohin ako ni Dior. At kung isa 'to sa mga karma na kailangan kong maranasan, buong-buo kong tatanggapin. Pero kung karma pa rin 'to... hanggang kailan ako mag sa-suffer sa mga karma na parating sa buhay ko?

Is it really hopeless for me to find true love simply because I was involved in an affair?

Is it really impossible?









I decided to ask Dior to watch a movie with me. Sobrang lamig kasi ngayon sa New York, pakiramdam ko ay magkaka-hypothermia kapag lumabas ako. Kaya naisipan kong yayain na lang s'yang manood ng movie kasama ako dahil wala naman siyang work ngayon kaya feeling ko ay ito ang right time para mag movie date kami kahit dito lang sa loob ng bahay.

Dumiretso na 'ko sa sala kung saan kami manonood ng movie. Malapit lang sa sofa ang hearth kaya mas mabuti kung dito na lang kami sa sala manood. Dala-dala ko ang popcorn na niluto ko at bumungad sa'kin si Dior na may kausap na naman sa telepono niya.

When he noticed me, he quickly dropped the call.

"Manonood na tayo?" Malambing niyang tanong sa akin. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at basta na lang tumango bilang tugon. "I'm sure maganda 'tong movie na napili mo," He added.

The Mistress in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon