SIMULA

183 5 0
                                    

SIMULA

Karaniwang hapon kung saan papalubog na ang araw. Mga ibong sabay sabay na bumabalik sa kanilang mga pugad. Ang langit na kulay kahel na magandang tanawin sa itaas sa tuwing nag-aagaw ang araw at gabi.

Sa isang silid na pawang mga istudanteng naguunahang lumabas sa silid paaralan. Nagtatakbuhan at mga istudanteng bawat grupo ay may bawat isang sariling mundo.

"Uyy...Ysang tapos ka na ba diyan?Dalian mo tayo nalang naiwan oh" anang ni Clare na nasa hamba ng pintuan halatang inip na sa paghihintay sa pagliligpit sa mga gamit ko.

" Teka heto na" clinose ko na ang zipper nang bag ko at patakbong pumunta sa labasan. Muntik pa akong madapa dahil sa pagmamadali. Halata sa ekspresyon ng kaibigan ko ang pagkainip dahil sa haba ng nguso na namamaktol sa bagal ko.

"Oh tara na. Atat netong Claritang toh" bigla umasim ang mukha dahil sa pagbanggit ko sa buong pangalan.

"Eww...Wag mo ngang mabanggit banggit ang buo kong pangalan. Clare sabi eh. Ewan ko ba sa magulang ko kung bakit Clarita e ang ganda ganda ko para sa pangmatandang pangalan na iyan" tila diring diri pa.
Tinawanan ko nalang tsaka hiniwakan sa braso at hinila palabas sa bukana ng aming paaralan.

Sa hallway ay nadadaanan namin ang mga estudanteng nagchichismisan pa. Mga walang balak pang umuwi. Sa kalagitnaan ng paglalakad namin papuntang bukana ng gate palabas sa school bigla akong siniko ng kasama ko sabay angkla ng braso sa kamay kong walang hawak na libro.
Kilala ko na tong kaibigan ko siguradong may bago na namang chismis.

"Pst" tawag pansin nito.

"Hmmm"

Mas lalo pang linapit ang katawan sa akin bago bumulong sa mababang boses.

"Alam mo ba darating daw yung nag-iisang anak nila senyor at senyorita sa darating na sabado. kyahhhh" paimpit ns tili nito sabay hampas sa braso ko na parang lintang binudburan ng asin.

"Aray naman Clare!" reklamo ko dahil sa bigat ng kamay tuwing hinahampas ako palagi kapag kinikilig. Nagpeace sign lang ito bago tinuloy ang tili.

"Anong meron doon kung ganoon bat ganiyan ka makatili?" curios kong tanong. Isa pang hampas natamo ko ngunit medyo mahina na pero masakit parin.

"Ano ka ba Ysa sang lupalop ka ba galing at pati si senyorito e di mo pa kilala!" nakatingin ito sa akin na parang di makapaniwalang sa tagal ko dito e wala akong alam sa tagpagmana ng mga Galchev.

Hindi ko siya masisisi dahil ang mga magulang ko'y matagal nang trabahador sa mansion ng mga Galchev. Ngunit balita ko ayon sa mga sabi sabi ay gwapo daw sabagay hindi naman ganyan magrereact ang mga babaeng magkukwento kung hindi gwapo.

Isang hampas pang muli natamo ko sa kaibigan bago makarating sa waiting shed na siyang pinagiintayan namin sa mga tricycle na siyang sasakyan namin pauwi.

Siniko ko ito saka sinaway dahil sa nakakarindi nang tili na may kasamang hampas.
"Clare umayos ka nga. Ansaket na sa tainga itang tili mo. Parating na iyong sundo" suway ko dito kaya agad namang tumayo ngunit wala pa ring tigil sa braso kong pinanggigigilan niya.

May tricycle na nag-stop sa harap namin kaya dali kong hinila ang kaibigan sa loob bago pa kami maubusan ng upuan.

Sa loob ng tricycle biglang humarap ang kaibigan ko sa akin habang malaki ang ngiting nakapaskil sa labi.
"Ysang sama tayo kina nanay sa sabado sa mansion ng mga Galchev!" bakas ang tuwa habang binabanggit ang mga ito.

"Huh? E may project pa tayong gagawin atsaka malapit na ang deadline" paalala ko baka nakalimutan na.

"Eh? Anuka ba Kaya mo na iyon tsaka magaling ka naman. Tsaka malay mo panahon na para makita mo sa personal si senyorito at para makita ko ring muli na naman ang gwapong mukha ni senyorito. Sige na... Plssss" pangungumbinsi nito habang siklop ang dalawang palad ang mata'y nangungusap habang nakatuon sa akin.

SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now