Kabanata 7

53 2 0
                                    

KABANATA 7

Pagkatapos ng mahigit dalawang oras na pag-upo at pakikinig ng mga salita ng pastor sa harap, lumabas na kami mula sa kapilya ng idineklarang tapos na.


Iyong linyang tumatak sa utak ko na sinabi ng pastor kanina ay para na itong cassette tape na paulit-ulit na nagpla-play sa utak ko.



Kaya nae-excite ako tuwing sumasapit kadalasan ang linggo sapagkat iyon iyong araw na natuturuan ako ng mga words of wisdom na galing sa mga pastor, maliban na lang sa araw-araw na pangaral ng mga magulang ko sa akin.



Maraming mga taong kasabayan namin dito sa bayan na abala rin sa pupuntahan.Naglalakad kami nila nanay habang hawak-hawak niya ako sa kaliwang kamay samantalang si tatay nasa kanan ko bitbit ang brown na bag ni nanay sa kanan niyang bisig.


Dahil sa dami ng taong nakakasabayan namin medyo napahigpit ang hawak ni nanay sa palad ko.


"Nak, huwag kang hihiwalay huh" medyo malakas ang pagkakasabi ni nanay sa akin dahil sa ingay ng paligid lalo na ang sasakyang dumadaan sa mismong kalsada.


Tumango nalang ako gaya ng palaging ginagawa ko sa tuwing tinatanong niya ako ng ganon.Takot ko rin naman na maiwanan sa kanila ni tatay.



Kapag sa ganitong gumagala kami ng buong pamilya dito sa bayan ay para akong batang ayaw mawalay sa magulang.Ni minsan hindi ko naranasang pumunta mag-isa dito sa sentro ng wala sila nanay na kasama ko kaya sa tuwing humahalo na kami sa madaming tao ay todo higpit ang hawak ko sa magulang ko.Lumaki ako masyado na nakadepende sa nanay at tatay ko.



Hindi gaya ng mga teenagers ngayon na independent , na kaya ng gumala saan ng mag-isa nang di kasama ang magulang.Magna-nineteen na ako sa susunod na buwan ay masyado parin akong depende na kahit ang simpleng paggala mag-isa ay di ko pa magawa.




Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa harap ng pansitan na palagi naming pinupuntahan pagkatapos ng samba.May malaking sign na 'BAMBOO HOUSE' that written in bold letters.


Masarap ang lomihan dito kakaiba sa ibang natikaman kong lomi na pinuntahan na rin namin malapit dito.Kakaiba ang specialty nila kaya maraming dumadayo rin dito.



Iginaya kami ni tatay sa isang plastic table na may apat na mono block chair ,dalawa magkabilaan ang puwesto.Umupo ako habang sa harap ko ay aligaga si tatay na ipaghila ng upuan si nanay pagkatapos ako naman ang binalingan para rin sa ipaghila sana gaya ng madalas niyang ginagawa sa amin ni nanay magmula bata palang ako kaya lang naunahan ko na kaya nginisihan ko nalang si tatay.



"Hay naku June!Umupo ka nga, para kang ano diyang aligaga" saway ni nanay nang pansinin nito ang tatay sa tabi.



Linapag muna ni tatay ang dalang bag sa bakanteng upuan sa tabi ko bago umupo sa tabi ni nanay sa harap.Nasa harapan ko na silang dalawa habang nasa kanya-kanyang upuan.



"Ok ka lang diyan nak?" baling naman sakin ni nanay mula kay tatay ang tingin.



"Opo" sagot ko bago ngumiti ng malapd para ipakitang ok lang ako sa puwesto kong ito kahit walang katabi basta sila ang kasama ko.


"O siya ako nang oorder.Anong sa iyo nanay?Ikaw nak?" prisinta ni tatay.


"Iyong dati June" sagot ni nanay ,pinangalawahan ko ng tango ng sa akin bumaling si tatay.


"Kung ganon hintayin niyo muna ako saglit dito oorder lang ako hah" paalam sa amin ni tatay bago pumunta sa counter.


Sinundan ko pa ng tingin si tay bago binalingan na si nay sa harap ko na kausap ang katabi naming table na tingin kakilala.

SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now