Kabanata 6

59 2 0
                                    

KABANATA 6

Pagkatapos naming mag-agahan at mag dramahan kanina sa hapag, tumulong ako kay mama sa pagsisinop ng mga pinagkainan namin.Ako na ang nag-prisintang maghugas ng aming pinagkainan.


Si papa nasa sala namin hawak-hawak ang diyaryong binabasa niya kanina.Iyong diyaryong naglalaman ng tungkol kay señorito, naiintriga tuloy akong basahin iyong na kay papa na diyaryo.


Linggo lang talaga sila nanay at tatay na nasa bahay buong araw.Linggo kasi ang day-off nilang nagtratrabaho sa mansyon ako naman sa weekend nasa bahay lang ako gumagawa ng mga assignments o projects namin.Hindi talaga ako palagala tao kaya si Clare lang talaga ang kaibigan ko, minsan nga pinagsasabihan ako ni nanay na lumabas-labas naman sa bahay para magkaroon daw ng social life.Eh si nanay talaga, ibang nanay nga prinoproblema ang mga anak nilang gala nang gala tapos si nanay prinoproblema akong gumala.Hay ewan.




Mas gugustihin ko pang magmukmok nalang at magbasa ng libro kaysa makibagay sa mga taong ayaw naman sa akin.Sa school kasi sinasabihan akong nerd, hindi ko alam na nerd nala pala tawag ngayon sa mga masipag mag-aral.Iba kong kaklase lumalapit lang naman sa akin pag may groupings or project o pag may kailangan sila kaya minsan si Clare palaging inaaway iyong mga classmate naming palagi akong binubully.Hindi ko nalang pinapansin ang mga panghuhusga nila kaya lang minsan si Clare talaga iyong di makapagpigil na patulan sila.Sinasabihan ko naman iyong kaibigan kong wag nalang pansinan pero sabi niya sumosobra na daw sila pag di pinapatulan minsan, kaya kahit ganon iyong best friend ko pasalamat parin ako dahil nandiyan siya kundi palagi nalang akong kinakawawa.



Linggo ngayon kaya nakaugalian na naming magsimba buong mag-anak na dumulog sa panginoon tuwing linggo.Relihiyoso ang mga magulang ko kaya masasabi kong napalaki nila akong maayos.




Abala ako sa pagmumuni-muni nang di ko napansin na patapos na pala ako sa paghuhugas.Biglang lumapit si nanay sa kinalalagyan ko na mula sa labas ng bahay.

"Nak, tapusin mo diyan at maghanda ka na pupunta tayong simbahan.Sasabihan ko narin ang tatay mo nawili na yata sa binabasang diyaryo."


Liningon ko ang orasan sa aming sala, sabi dito'y alas-shete na nang umaga.Tinapos ko na ang paghuhugas ko bago pumasok sa sariling kwarto para kumuha ng damit na masusuot at tuwalya para makapagligo na.




Dalawampung minuto ang kinunsumo ko sa pagligo at pag-aayos sa sarili ng marinig ko ang tawag ni nanay sa akin sa labas.Nagmamadali akong lumabas sa silid ko suot ang dilaw na bestida na regalo pa nila sa akin noong nakaraang taon sa araw ng kaarawan ko.Pares ang puting dollshoes na may ribbon sa gitna na kasama ng bestidang regalo nila sa akin.


"Nay nandiyan na po" sabi ko kay nanay habang patuloy sa paglalakad patungong sala.


"Oh andiyan na pala ang maganda kong anak.Aba'y prinsesang-prinsesa sa damit niya!" buong galak na sabi ni tatay nang makarating ako sa harap nila.

Nakaayos na rin sila ako nalang talaga hinihintay.

"Aba'y oo naman ako kaya pinagmanahan ng unica hija natin!" balik sagot ni nanay tsaka bahagyang tumawa.Pati ako natawa narin sa mga pinagsasabi nila nanay at tatay.

"Heh.Sila nanay at tatay bolero!"

"Hindi ka namin binobola anak talaga namang maganda ang prinsesa ko.Tingnan mo may maganda kang nanay at gwapong tatay e di ang resulta magandang-magandang anak namin" seryosong saad ni tatay, ngunit tumawa rin sa huli.

"Oo naman po.Syempre guwapo plus maganda edi ang resulta magandang unica hija" natatawang saad ko sa sinabi ni tatay.Si nanay nasa tabi ni tatay na natatawa rin sa pinagsasabi namin.

SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now