Kabanata 20

51 3 0
                                    

KABANATA 20

It's been a few days mula noong hinatid kami ni Señorito. And I guess that is already the last, dahil magmula noong araw na iyon ay hindi na namin siya masyadong nakikita o kahit makasalamuha. I mean, hindi naman obligado si Wren na palagi siyang magpakita sa amin. I miss his presence... I mean it's been a few days at minsan lang namin siyang nakita sa loob ng ilang araw na iyon at iyon ay noong minsan namin siyang nakita sa canteen kasama ang mga Engineers na may hawak ng School Building Project na kasalukuyang pinapatayo bilang karagdagang School dito sa amin.

Kasabay nito ay kumalat din ang balita na si Señorito Wren daw ang Engineer ng proyektong iyon. Another information about him. Minsan nang nai-kwento sa akin ni Nanay na he's already graduate in Bachelor of Science in Civil Engineering and also a top board passer. It's amazing that even at his very young age, he has already handling a big projects. Perks of being a son of Don.

Mula noong araw na sinabay niya ako papuntang school, hindi ko na muli pang nakita ang kaniyang sasakyan na dumaan sa ruta ng daan papuntang sa amin.

Ilang beses lang naman na nakasabay ko siya sa sasakyan ngunit pakiramdam ko'y nasanay na agad ako sa kaniyang presensya. I kinda miss him and his intoxicating scent that already very familiar to my sense  of smell.

Ayaw ko sa pakiramdam na ito...para bang hinahanap ko na ang kaniyang presensya sa ilang araw na minsan ko lang siyang nakita, at mula pa sa malayo.

I think I need to teach myself to not be so much attach to him.

It's a beautiful sunny noon. Nakaupo kami sa isang bench sa lilim ng Nara tree. Sa kabila ng malakas na tirik ng araw ay ang sariwa't malamig na simoy ng hangin na sumasamyo sa aking balat.

I had already my lunch kasama si Claire. Dahil malayo pa naman ang unang klase namin sa hapon, we decided to advance study especially we have some of our Teachers na mahilig sa surprises— surprise quiz and such.

"Ysa... Hindi pa ba tayo papasok sa room? Anong oras na oh." dahil sa sinabi ni Claire ay napatingin ako sa aking mumurahing pambisig na relo na regalo sa akin ni Tatay na binili niya para sa akin ng minsang kami'y nagpunta sa bayan.

It says, 6 minutes before 1:00 P.M. kung saan Oral Communication ang first afternoon class namin.

Tumango ako kay Claire saka mabilis na niligpit ang aking mga Libro at isinilid sa aking backpack ang mga notebooks na inilabas ko kanina kung nasaan ang mga notes ko.

Tumayo ako nang maiayos ko na ang aking mga gamit at nang masiguradong wala akong naiwan na anomang gamit ko, ay inakay ko na si Claire papasok sa room para sa afternoon class namin.

May mga mangilan-ngilan na lang na mga estudyante ang pagala-gala na nadaanan namin sa ground ng school.
May mga ilan pang tumatakbo at nagmamadali para hindi ma-late sa  kanilang afternoon class. Kami naman ni Claire ay normal lamang ang bilis ng aming paglakad na tila hindi nangangamba na ma-late man lang sa afternoon subject namin.

Kilala na namin ang aming guro sa Oral Communication. Palagi itong 10 minutes late na pumasok sa kaniyang klase sa hapon. Hindi kami nangangamba ni Claire na baka maunahan niya kami sa pagpasok 'pagkat alam na namin ang gawain ng aming subject teacher sa Oral Com.

Dumaan kami sa hallway patungong designated building kung nasaan ang aming room. Malapit lamang ito mula sa pinapatayong bagong building kaya naman kung minsan ay halos hindi mo na marinig ang explanation ng guro sa harapan dahil sa iba't ibang ingay na dulot ng under construction ng kalapit building namin.

Lumiko kami sa hallway na daan mismo patungong roon namin, nang matanaw ko ang grupo ng mga tao na nakasuot ng yellow hard hat. May iba sa kanilang nagtatawanan at iba naman sa kanila na nakikipag-usap lamang sa kanilang kasabay na maglakad. Ngunit ang nakakakuha ng aking pansin ay ang isang lalaking nagngingibabaw sa kanila. Maliban sa kaniyang hindi matatawarang tangkad at kapansin-pansing built ng kaniyang katawan, he's head turner beacause of his undeniably presence kung saan nangingibabaw talaga ang kaniyang seryosong awra.at presensya.

Casual siyang nakapamulsa habang seryosong nakikilag-usap sa isang lalaki na kaniyang kasabay na maglakad. It seems like they are talking about a serious topic. Malalaki ang kaniyang hakbang kaya naman halos lakad-takbo na ang ginagawa ng kaniyang kausap. Sa sobrang hahaba ng kaniyang biyas, ang isang hakbang niya ay dalawang hakbang ng mga gaya ko.

Ngunit may isa pang nakakuha ng aking pansin. Ang isang magandang babae na nasa kaniyang likod na pilit hinahabol ang kaniyang malalaking hakbang ni Wren. Maganda siya, maputi—kapansin-pansin na laki sa siyudad. Mahaba ang kaniyang artificial na kulot na buhok na color blonde. Matangkad din siya, kung tatabi ako sa kaniya siguro hanggang leeg niya lamang ako. Mukha siyang modelo kung hindi lamang sa kaniyang suot na yellow hard hat, ay iisipin kong isa siyang modelo na naligaw lamang dito.

Bumagal ang aking paglakad, at halos huminto na ako at mapako sa aking kinatatayuan sa aking sunod na nasaksihan. Mabilis ang naging paglakad ng babae kaya naman naabutan niya si Señorito, mabilis nitong ikinawit ang braso sa braso ni Señorito na nakapamulsa. Hindi manlang nagulat si Señorito sa naging biglaang pagsulpot ng babae, tila ba inaasahan na niya ito at nakasanayan ang ganong kilos ng babae.

May gustong sabihin ang babae kay Señorito, at dahil matangkad siya ay yumuko ito ng bahagya. Nakita kong may ibinulong ang babae sa tainga ni Señorito Wren. Sobrang lapit nila sa isa't isa, wari ko'y kilala na nila ng lubusan ang bawat isa dahil sa kilos at closeness nila. Tuluyan na akong nahinto sa aking paglakad sa aking nasaksihan—mismo ng aking dalawang mata.

Nakaramdam ako ng bahagyang paninikip ng aking dibdib sa aking nakita. Sinapo ko ang dibdib sa may bandang puso dahil tila doon nagmumula ang paninikip na aking nararamdaman. Nasa aking bandang harapan ang aking kamay habang sapo kung saan naninikip ang aking damdamin, sakto naman na gumawi sa akin ang kaniyang tingin na nakatungo parin dahil sa may binubulong ang babae. Bumaba ang tingin nito sa aking kamay na nasa aking harapan, kita ko ang pagdaan ng isang estrangherong emosyon sa kaniyang mga mata.

Hindi ko na nagawa pang mabasa ang emsyong nakapaloob sa titig niyang iyon dahil may isang kamay na mabilis nang humila sa akin papasok sa aming classroom. Hindi ko namamalayan na nasa harapan na pala kami ng aming room, dahil sa iba nakasentro ang aking atensyon.

Hindi ko alam kung paano ako nakaupo sa aking sariling upuan sa kabila ng wala ako sa aking sarili sa mga oras na iyon. Namalayan ko nalang na pumasok ang aming guro na kasunod lang pala namin.

Kung hindi pa ako hinila ni Claire, ay hindi pa ako matatauhan na kasunod lang pala namin siya.

Pure discussion lamang ang ginawa ng aming guro, pabor naman ito sa akin 'pagkat buong durasyon ng kaniyang subject hour ay parang wala ako sa sarili. Tila ba'y naiwan ko yata sa labas ang aking katinuan kaya naman walang mag-sink-in sa aking utak sa mga itinuro niya.

Ayaw ko mang mag-overthink ngunit linulunod na ako mismo ng aking sarili sa dami ng iniisip at espekulasyon na pumapasok sa isip ko. Hindi ko na namalayan kung tumuloy pa ba silang dumaan sa hallway na dinaanan namin kanina. Kung doon man sila tumuloy, tiyak na nadaanan nila ang aming classroom. Maliban nalang kung hindi sila tumuloy at bumalik pa kung saan sila nanggaling at umikot patungo sa ruta kung saan man sila pupunta.

Natapos ang aming tatlong magkakasunod na subjects na wala man lang pumasok sa aking isipan o kahit naintindihan ma  lang sa mga duscussions. Nakikisama ata ang tadhana sa akin dahil walang sinoman ang nagbigay o nagpasagot ng activity sa aming mga guro.

Napansin din ni Claire ang aking pagiging wala sa sarili dahil sa ilang beses siyang nagtanong kanina, puro 'huh?' lamang ang aking madalas na sagot kaya naman pinabayaan na lamang ako at nanatiling tahimik sa aking tabi hanggang sa uwian na ay nakikiramdam lamang ito sa emosyong aking nararamdaman.


SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now