Kabanata 9

47 2 0
                                    

KABANATA 9

Pagpasok namin sa mall ay agad na nanuot sa balat ko ang lamig na nanggagaling sa Air Conditioner ng mall.Hindi ako sanay sa lamig na binubuga ng Airconditioner, kakaiba sa nakagisnan kong simoy ng natural na hangin sa labas.



Hinila ako nila nanay sa may karamihang tao kung saan marami ding namimiling tao.Namangha ako sa mga nakikita ko dito sa loob lalo na sa mga nadadaanan naming magagandang bagay gaya na lamang ng mga damit na nakahilera, nanuot sa aking ilong ang bagong-bago nitong amoy.



Patuloy ko lamang inililibot ang mga mata ko sa magagandang bagay na nasa paligid ko nang mapansin kong nasa harapn na pala kami ng mga naggagandahang mga bestida.May iba't-iba itong kulay at designs.May ribbons,floral,laces,beads,at kung ano-ano pang palamuti na nakasabit sa mga magagandang dresses na nakasabit sa aming harapan.


"Anak mamili ka kung anong gusto mo.Kahit ano pa iyan." Nakangiting baling sa akin ni nanay.


Nagalak ako ng sobra sa sinabi ng aking ina kaya naman dali-dali kong linapitan ang mga naka-hang na mga dresses.


"Wow nay...Ang gaganda nila!" Manghang saad ko habang isa-isang sinusuro ang mga nakikita kong bestida.


"Premyo mo iyan dahil napakasipag mong mag-aral at napakabuti mong anak.Kaya naman pinag-ipunan talaga namin ang araw na ito ng nanay mo.Kaya kung anong matipuhan mo ay huwag kang mahihiyang sabihin sa amin ng nanay mo" nanggagaling sa aking likod ang tinig ng aking ama.




Tumango ako tsaka masayang binalingan ang nasa harapan ko.Patuloy lang ako sa pagmasid sa mga ito ng makuha ng aking atensyon ang isang simpleng white dress na may designs na mga beads habang sa bewang ay may ribbong belt na nakapalibot dito.Linapitan ko ito tsaka tinapat ang damit sa aking harapan at humarap sa mga magulang kong nakangiting matamang tinitignan ako.


"Nay!Ano pong tingin niyo dito sa isang ito?" Nakangiting tanong ko tsaka bahagyang umikot sa harapan nila.


"Aba'y ang unica hija ko, dalagang-dalaga na talaga!Napakaganda ng prinsesa ko lalo na sa damit na pinili mo" puri ng tatay sa akin.


"Hindi ako kokontra sa sinabi ng iyong Ama.Bagay na bagay sa iyo iyang dress na pinili mo anak!Ang galing mong pumili, napaka-simple ngunit ang ganda bagay sa maganda kong anak!" Segunda ni nanay sa siinabi ng aking ama.



"Sus, sila nay at tay bolero" bahagya pa akong natawa sa huli.


Nagkatinginan sila tsaka sabay akong binalingan.

"Hindi sa pambobola anak dahil talagang maganda ka mana sa pinagmanahan mo!Tignan mo naman kami ng nanay mo, pinagsamang gwapo at maganda kaya ang resulta sobra-sobrang ganda naming unica hija" Proud na proud na asik ng aking ama.



Well, hindi na ako kokontra doon dahil talaga namang magaganda ang lahing pinanggalingan ng aking mga magulang.
Kahiy may edad na sila ay bakas parin ang magagandang anyo sa mukha nila.



"Halika na't samahan kitang isukat iyang napili mo.Ngunit kung may idadagdag ka pa ay huwag kang mag-dalawang isip na sabihin." Linapitan ako ni nanay sa aking puwesto.Mabilis kong inilingan ang sinabi ni nanay.




"Ok na po ito.Sasamahan ko din po kayong mamili mamaya ng sa inyo." Sagot ko.Hindi naman puwedeng ako lang ang bibilhan nila dahil sa kanila naman ang perang gagamitin namin.



Tumango na lamang sila sa ako inakay ni nanay sa tinatawag nilang dressing room.Hindi ko alam na puwede pa lang isukat dito ang bibilhin mong damit.Kadalasan kasi naming pinupuntahan ay sa mga tiangge lang sa maliit naming bayan.



SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now