Kabanata 1

80 4 0
                                    

KABANATA 1

Nagmamadali akong nagsusuklay ng buhok dahil sa pagmamadali. Dinig ko ang tawag ni nanay mula sa labas.

"Nak!Bilisan mo na diyan" aniya mula sa labas ng kwarto ko.

Ngayon ang araw nang pagdating ng senyorito kaya nagmamadali kami ni nanay na pumuntang mansiyon samantalang si tatay ay kanina pang madaling araw doon dahil sa dami ng mga ihahanda pa nila.

Hindi napaaga ang gising ko dahil tinapos ko pa kase yung project ko kagabi para wala na akong problema kung deadline na.

Madaling masuklay ang buhok kong itim dahil sa dulo lang ang may kulot. Hindi rin masyadong mahaba dahil buwan buwan kong pinapaiksi konti.

Pagkatapos kong masuklay ang buhok ko ay  linapag ko agad ang suklay sa tukador bago nagmamadaling lumabas sa kwarto. Nadatnan ko doon si nanay na matyagang naghihintay sa kabagalan ko.

"Nay pasensya na sa paghihintay. Tara na po" anyaya ko kay nanay.

Tumayo ito bago lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa siko tsaka marahang hinaplos ang pisngi ko. Malaki ang ngiti habang pinagmamasdan ako, ayaw ko mang gamabalain si nanay sa ginagawa niya kaya lang baka lalo lamang kaming mahuli.

Hilaw akong ngumiti kay nanay bago nagsalita. "Nay tara na po baka mahuli na tayo" saad ko.

"Hays...dalaga ka na talaga anak. Ang ganda ganda mo kahit sa simpleng bestida lang" sabi ni nanay bago binaba ang dalawang kamay tsaka pinulot iyong bayong na may lamang mga gulay na bagong pitas lang mula sa halaman sa likod ng bahay namin.

Bago pa mahawakan ni nanay ang bayong ay mabilis kong dinala ito bago binalingan si nanay na aamba sanang hahawakan ang bayong.

"Nay ako nang magdadala nito, mabigat kaya ako nalang po bago sumakit pa likod niyo" sabay ngiti ko. Ngumiti nalang si nanay tsaka hinawakan ako sa kamay upang mahila papuntang labas ng bahay. Linock muna ni nanay ang pintuan ng bahay namin bago kami nagpatuloy sa paglalakad papuntang kalsada kung saan may mga sasakyan na dumadaan na pwedeng sasakyan papuntang mansiyon ng mga Galchev.

Ako nang nagprisintang magpara ng tricycle nang nasa gilid na kami ng kalsada ni nanay. Hindi naman mahirap sumakay sa umaga lalo na't hindi pa naman punuan ang mga tricycle.

"Para po!" ani ko sa papalapit na tricycle sa amin. Mabilis naman itong huminto. Pinauna ko si nanay na sumakay bago ko binaba ang bayong sa paanan ng tricycle tsaka umupo narin sa tabi ni nanay sa loob ng tricycle.

"Saan po?" tanong ni mamang driver.

Si nanay na ang sumagot bago ko pa masabi ang destinasyon namin.
"Sa mansyon ng mga Galchev" sagot ni nay.

Tumango lang ang driver bago pinaandar ulit para umusad na. Akala ko tatahimik na ang driver kaya lang nagsalita ulit.

"Balita ko po darating ang senyorito Galchev?" Tanong nito. Hindi ako sumagot dahil tiyak kong si nanay ang kinakausap nito kahit nasa harapan ang tingin. Dalawa lang naman kami ni nanay na pasahero niya.

"Ah oo Mario... Bali-balita ngayon ang pagbalik ng senyorito kaya malabong di mo pa alam. " Sagot ni nanay sa driver nasa tingin ko ay nasa trenta pataas na ang taon.
Hindi ko alam na magkakilala pala sila. Sabagay hindi naman ako iyong klase ng taong pala pasyal dahil palagi kong punta ay eskwelahan-bahay ganon lang kadalasan.

"A hehe kinokumpirma ko lang baka kase sabi sabi lang" sabi ni mang Mario kay nanay. Nag-uusap sila kaya nanay kaya hindi na ako nag-abalang makinig o makisabat manlang, kaya lang di ko maiwasang marinig dahil nasa iisang sasakyan lang naman kami kaya tinuon ko nalang ang pag-iisip kung ano kayang maari kong maitulong sa paghahanda mamaya.

SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now