Kabanata 16

39 2 0
                                    

KABANATA 16

Nagising ako dahil sa bahagyang pagyugyog nang kung sino sa akin.Dinig ko pa ang paulit-ulit na boses nito na pilit akong ginigising.

"Anak, gising na.Mahuhuli ka na sa pasok mo."

Mabilis pa sa alas-kwatro akong napabalikwas mula sa komportableng pagkakahiga sa aking kama.

Nanlalaki ang aking mga mata na nakatingin kay nanay na nasa gilid ng aking kama.

"Buti naman at nagising ka na ding bata ka.Naku!Huli ka na naman sigurong natulog kagabi!" Sermon na agad sa akin ni nanay.

"Siya!Maligo ka na at nakapaghain na ako.Dali na nak kung ayaw mong mahuli sa klase mo" Mabalis akong tumayo mula sa kama at agarang inayos ang hinigaan ko, kita kong lumabas na din si nanay.

Nang mahagip ng aking mata ang wall clock ay halos mapatakbo ako sa banyo nang makitang alas-shete na pala ng umaga.

Eight o'clock ang pasukan namin hanggang alas-kwatro ng hapon, at seven o'clock na ng umaga.Isang oras nalang ang natitirang oras ko sa bago magsimula ang flag seremony namin.

Mabilis kong hinablot ang naka-sampay kong tuwalya na ginamit ko kagabi at mabilis na nagtungo sa banyo.Muntik pa akong mauntog sa pintuan ng aking kuwarto dahil sa pagmamadali.Buti nalang hindi nakatingin sa gawi ko si nanay kundi sesermonan na naman ako.

Nagmamadali ako kahit sa pagligo at pati na din sa pagbibihis, nakalimutan ko pang kumuha ng pamalit ko dahil sa pagmamadali kaya't wala akong ibang pagpipilian kundi bumalik sa kuwarto ng naka-pulupot lamang sa aking maliit na katawan ang bitbit ko kaninang tuwalya.

Pati sa aking pagbibihis ay mabilisan din kumpara sa madalas kong nakukunsumong oras sa pagbibihis kadalasan.

Bitbit ang mga makakapal na libro sa aking mga bisig habang nakasukbit sa aking kanang balikat ang shoulder bag ko papalabas sa aking silid nang may pagmamadali, pagkatapos kong magsuklay at mag-ayos ng aking sarili sa harap ng aking salamin sa may tukador upang kahit papano'y magmukha akong presentableng papasok sa eskwela.

Lumabas ako sa aking silid kasama ang aking mga gamit pang-eskwela, gaya ng dati ay nadatnan ko si nanay na nasa kusina kasama si tatay na hawak-hawak ang diyaryo sa kamay na naka-upo sa kaniyang rocking chair na gawa sa kahoy samantalang si nanay ay may pinagkakaabalahan sa aming maliit na kusina.

Dumako ang aking tingin sa lamesa namin na may mga nakahanda nang pagkain para sa aming pang-agahan.

Hindi pa nila ako napapansin dahil nasa may sala pa lamang ako na katapat lamang ng aking silid kaya't kung may sakali mang bisita sa aming bahay ay kitang kita ang aking pintuan ng aking silid na tinabunan lamang ng isang manipis na kurtina na kulay orange.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa humarap na sa akin si nanay na abala kanina sa harap ng kalan habang may hawak pang sandok sa isang kamay.

"Oh!Nak halika't umupo kana diyan habang hinihintay ko na lamang na maluto itong kaldereta.Lapag mo muna saglit iyang mga hawak mo para naman makakain ka na." Sinunod ko ang sinabi ni nanay, linapag ko saglit ang bag at mga libro ko sa katabi kong upuan na walang umuukopa tsaka naghila na din ng sarali kong upuan.

Nang komportable na ako sa aking kinauupuan ay pinagmasdan ko ang aking ina na aligaga sa paglalagay ng linuto niyang kaldereta sa isang rektanggulong plastik na lagayan na kulay blue.

Nagtataka ako't hindi naman ako pinababaunan ng aking ina ng ulam kapag papasok ako sa eskwela.Hindi sa ayaw niyang pabaunan ako ng totoong pagkain sa tanghali, sa totoo'y noong una ay pinababaunan niya ako sapagkat pinilit kong sobra-sobra na ang baon na perang binibigay niya sa akin.

SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Kde žijí příběhy. Začni objevovat