Kabanata 8

53 2 0
                                    

KABANATA 8

Panaka-naka'y sumusulyap ako sa kinaroroonan ni señorito.Nasa laptop niya halos ang kaniyang atensyon.Ginalaw niya lang konti kanina ang pagkain sa harap niya pagkatapos natuon na naman lahat atensyon niya sa harap kaya naman mas tapos na sila nanay sa pagkain nila ay nasa kalagitnaan parin ako ng pag-ubos ng akin.




"Oh nak bilisan mo diyan may pupuntahan pa tayo nila nanay mo.Siguradong magugustahan mo." saad ni tatay sa aking harap na kasalukuyang inuubos na rin ang inumin niya gayun rin si nanay.




Nginitian nila ako ng sabay kaya mas binilisan ko na ang pagkain ko.Nakakahiya naman kila nanay na pinaghihintay ko sila ng matagal.Ninakawan ko pa saglit ng tingin si señorito bago tinuon lahat sa pagkain sa harap na naghihintay sa aking ubusin ang laman nito.




Nakatungo ako bahagya habang nagsusubo kaya naman hindi ko alam na nasa harapan na pala namin si señorito kung hindi lang dahil sa malakas na bati nang mga magulang ko sa kaniya.




"Señorito narito po pala kayo"ramdam ko ang galak sa pagbati nila.



Bahagya pa akong nasamid habang inuubo kaya agad kong hinanap ang inumin nang biglang may nag-abot ng tubig sa harap ko.

Hindi na ako nag-atubili pang tignan ang nag-abot nito dahil para na akong kakapusin  ng hininga.Inubos ko ang lamang tubig ng baso tsaka pa lamang binalingan ang taong nag-abot sa akin.Papasalamatan ko sana si nanay o kaya si tatay na siguradong sila isa sa kanila ang nag-abot sa akin ng isang baso ng tubig.



Nalunok ko yata pati dila ko dahil hindi ako makapagsalita sa gulat.Nasa harap ko ang senyorito at seryoso ako nitong pinagmamasdan ngunit may bakas ng pag-aalala ang kaniyang kulay abong mata.



"Uhh...Uhmm..." hindi ko mahanap ang tamang salita dahil sa intensidad ng mata nito lalo pa at nasa harapan ko din ang aking mga magulang na pabalik-balik kaming pinagmamasdan.

"Next time be careful.A while ago you just spilled your hand a very hot soup." biglang itong nagsalita.Nasa kaliwang gilid ko lang siya kaya naman dinig ko ang bawat diin ng kaniyang salita.Para siyang si tatay kung mangaral magsalita.Ngumuso ako tsaka tumango-tango bahagya.



"Ah...Ughm...Señorito pasensya na sa abala"paumanhin ng aking ina.



"Ok lang po Aling Suzy.Nagagalak po akong nakita ko kayo rito.Maybe I should get going, baka nga po ako ang nakakaabala sa family date niyo." sagot ng señorito na agad namang prinotestahan ng aking nanay.



"Naku!Haha...Pasensya na po talaga ngunit mukhang may importante pa po kayong gagawin kaya mabuti na ho sigurong mauna na kayo baka mahuli kayo pa kayo sa pupuntahan niyo." dahil sa sinabi ni nanay ay inangat ko ang paningin at kita kong pinadidilatan na ako ni nanay.Palagi niyang ginagawa kapag may gustong ipahiwatig.


Binalingan ko na ang gwapong nilalang sa gilid ko dahil sa patuloy na pinanlalakihan ako ni nanay na pinapahiwatig na dapat akong magpasalamat sa ginawa ni señorito.


"S-sorry po at salamat na rin po s-señorito" nakakahiya dahil bigla pa akong nautal sa pagsasalita.


Tumango lamang ito tsaka binalingan nito ulit ang magulang ko na kasalukayan nang nagpapa-alam sa kaniya.Bahagya pa akong nadismaya dahil saglit ko lamang natitigan ang kaniyang mukha, kalaunan nakaramdan din ako ng hiya sa iniisip ko.



"Mauna na po ako Aling Suzy,Mang June." Paalam niya sa mga magulang ko na tinanguan nila nay at tay.Kinabahan ako ng ako naman ang balingan niya.

SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now