Kabanata 3

71 4 1
                                    

KABANATA 3

Diretso ang lakad ko papuntang dining area habang si Claire nasa likod ko kasunod ko na pasimpleng nang-aasar parin.

Pilit kong binabalewala lahat ng pang-aasar niya kaya lang di talaga titigil ang kaibigan ko kaya hinayaan ko nalang.

Pagpasok ko sa dining area nadatnan ko ang iba pang katulong sa mansiyon na abala sa pagliligpit ng pinagkainan nila senyora. Lumapit narin ako para tumulong sa paglalagay ng mga maruruming plato sa lababo.

Habang abala ako sa bitbit kong patong-patong na plato sa kamay biglang sumulpot sa harapan ko si Claire habang malaki ang ngisi sa akin.

Haysttt...

"Ano na naman?Mang-aasar ka na naman?" taas ang isang kilay na tanong ko.

"Ayy...Grabe ka Friendy judgmental lang?Ikaw naman kase masyadong affected haha..." sagot nito.

Akala ko kung anong gagawin niya nang lumapit ito sa akin saka pilit kinuha sa kamay ko ang mga hawak kong plato.

"Teka-" aangal pa sana ako kaya lang nagsalita ulit ng di pinapatapos ang sasabihin ko.

"Punta ka doon kay aling Tessa.May sasabihin raw siya. Ako nalang bahala dito sa mga plato, nasa sala  ang nanay mo...Dali na!" saad nito saka bahagya pa akong siniko.

"Teka ano naman iuutos ni nanay?" takang tanong ko sa kaibigan ko.

"Hindi ko alam puntahan mo nalang para malaman mo..." sabi ni Claire saka tumalikod na para ibalik ang mga plato.

Pinagmasdan ko ang likod ng kaibigan kong naglalakad papuntang kusina habang buhat-buhat ang mga platong dala ko lang kanina.Umiling na lang ako bago nagpasyang pumunta kay nanay.

Naabutan ko siyang nasa living room ng mansiyon habang kausap ang dalawang katulong rin dito.Lumapit ako bahagya kaya narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Siguraduhin niyong maayos ang pag-seserve ng mga pagkain mamaya huh?" bilin nito sakanila na sabay na tinunguan ng dalawa.

"O siya pumunta muna kayo sa kusina para tumulong" pinal na saad nito bago sumunod ang mga ito.

Nang humarap si nanay sa kinaroroonan ko ay agad ako nitong linapitan saka ngumiti bago nagsalita.

"Nak, kita mo namang abala masyado lahat ang nandito kaya ikaw nalang uutusan ko munang pumunta sa kwarto nila senyor at senyora para tanungin kung may iuutos pa sila.Pwede ba nak?" saad ni nanay.

"Oo naman po.Pero nasan po ang kwarto nila senyora?" tanong ko.

"Basta sa unang pintuan sa kanan na makikita mo sa ikalawang palapag .Sige nak puntahan mo na may gagawin pa ako." huling bilin niya bago naglakad palayo.

Tumalikod na rin ako tsaka umakyat sa mataas na hagdan papuntang ikalawang palapag ng mansyon.Pagdating ko sa itaas ay may apat na na pintuan akong nakita magkabilaan kaya dumeretso ako agad sa unang silid sa kaliwang bahagi tulad ng bilin ni nanay.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago nagsalita.
"Senyor-" di pa ako tapos sa salita ko ay bumukas na ang pintuan.

Bumungad sa akin pinakagwapong nilalang na nakilala ko sa tanang buhay ko. May nakasukbit na puting tuwalya sa balikat ng señorito habang sa ibaba ay puting tuwalya lang rin na nakapulupot sa matipunong nitong baywang nito.Walang itong saplot sa itaas kaya malaya kong napagmamasdan ang matipuno niyang katawan.Meron itong uhmmm...isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim-

"Ehmm" bigla akong nakarinig ng tikhim kung saan kaya nawala ang isip ko mula sa pagbibilang ang abs niya sa katawan.

Nang tumaas ang tingin ko sa guwapong mukha ng señorito ay biglang nagsitaasan ang mga dugo ko sa katawan papuntang pisngi ko.

Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakatitig sa katawan ng señorito.Sobrang init ng magkabilaang pisngi ko sa kahihiyan.

'Goshh!!!!!!ka!!!!Ysa!!!!kailan ka pa naging ganyan!!!!!!!!!'

"U-uh...A-ahmmm...A-ano...U-uhhh" di ako makahagilap ng tamang salita dahil sa natamong kahihiyan.

Seryoso lang ako nitong pinagmamasdan habang ako rito'y para nang nag-ugat sa kinatatayuan.Hindi ko siya matignan sa mata kaya nagbaba ako ng tingin ngunit di nakatakas sa paningin ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya na para bang nag-eenjoy siya sa nangyayari o baka naman guni-guni ko lang?

Aytsss!

Linalaro-laro ko ang mga daliri ko habang nakatungo sa kahihiyan.Pilit kong sinusuway ang sarili ko dahil di ako makahanap ng tamang salita na dapat sabihin.Nang magkaroon na ako ng lakas ng loob na magsalita ay nag-angat ako ng tingin ngunit iniwas ko sa gawi niya ang paningin ko.

"Uhmm...A-ano po...Sorry kala po kase dito ang silid nila senyora...Uhmmm...Pansensya na po  talaga señorito...sorry" sabi ko.Buti nalang hindi ako nautal sa buong pagsalita ko.

Mula sa tingin ko sa gilid ay pasimple kong binalingan siya.Binaling ko rin agad dahil naabutan ko siyang matiim na nakatitig sa akin habang seryoso lang ang mukha nito.

Ilang sandali lang ay narinig ko ang tunog ng pasarang pinto, nang balingan ko ang kaharap kong pintuan ay nakasarado na ang pintuan ng señorito.

Hayyyy!Buti nalang!

Malakas ang pagbuntonghininga ko na ngayon ko lang napansin na kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko.

'Whew'

Bumaling ako sa kanang bahagi ng pasilyo at doon ko nalaman na dapat pala doon ako tumuloy hindi dito sa kaliwa!

Dali-dali akong naglakad sa kanang bahagi tsaka huminto sa unang pintuan sa bahaging ito.Ngayon sigurado na talaga ako na tama ang silid na pinuntahan ko.

Bumuntong-hininga muna ako bago kumatok ng tatlong beses.Hindi na ako matagal na naghintay bago bumukas ang pintuan dahil bumungad agad sa harap ko ang senyora na nakaroba ng kulay puti habang may puti ring tuwalya sa buhok na nakapulupot.
Ngumiti ako bago nagsalita.

"Senyora pinadala po ako para itanong kung meron po ba daw kayong ipag-uutos?"

"Oh, Hi hija tubig nalang dahil medyo nauuhaw ako." Saad nito tsaka ngumiti ito sa akin.

"Ah sige po senyora kukuha lang po ako sa labas" sagot saka ngumiti ulit bago tumalikod para kumuha ng tubig sa kusina.

Maingat kong inakyat ang tubig saka kumatok ulit sa silid nila na agad rin namang pinagbuksan, kaya lang ang senyor ang tumanggap sa pagkakataong ito.Nagpasalamat ito bago pumasok sa kanilang silid habang ako'y tumalikod narin tsaka naglakad sa hagdan ngunit bago ako humakbang pababa liningon ko muna ang unang silid sa ikalawang bahagi bago sinapo ang magkabilaang pisngi ko na nagsisimula na ulit mag-init.

'Whaaaaaaaaaa!!!!Nakakahiya talaga kanina!!!!!Ysa!!!Anong pinaggagawa mo sa buhay!!!'

SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now