Kabanata 10

43 2 0
                                    

KABANATA 10

Pagkatapos na naming mabayadan lahat ay papalabas  na sana kami kung hindi lang huminto si nanay sa bilihan ng mga kitchen wears.Nakabili siya ng dagdag koleksyon niya sa bahay na babasaging bowl at plate na may magandang design.





Lumabas na kami ng matapos ni nanay bayaran ang kinuha niya sa counter.




"Tara na!Teka anong oras na ba?" Yakag sa amin ni nanay.


Binitiwan saglit ni tatay ang hawak sa kamay ko at dinukot ang de-keypad niyang cellphone sa bulsa.




"Alas-dose Y-media na mahal.Kumain na muna siguro tayo." Tumango ang inay saka kami ulit inakay hanggang sa makarating kami sa isang kilalang fast-food restaurant.May statue ng bubuyog sa harap  na nakadamit ng color red.Wierd.May malaking signage na "JOLLIBEE" sa harap nito na kitang-kita tuwing papasok sa loob.






Pumwesto kami sa pang-apat kataong upuan gaya nang sa panciteria kaya lang mas maganda yata ang upuan dito kaysa sa ordinaryong monoblock sa panciteria.




"Maupo muna kayo dito.June bantayan mo iyang anak mo at ako na ang oorder para sa atin" Parang mga batang masunurin kaming sabay na tumango ni tatay.




Wala akong magawa sa paghihintay kaya saglit akong nangalumbaba sa table namin habang tinutuktok ang hintuturo ko sa lamesa.





"Anak naalala mo iyong sinabi kong franchise ng mga Galchev?" Nakuha ng atensyon ko ang sinabi ni tatay kaya naman umayos ako ng upo ulit.


"Opo"


"Itong kakainan natin na ito ay isa lang sa mga branch ng mga kilalang fast-food sila nag-franchise." saad ni tatay.






"Ibig po bang sabihin maraming pang kilalang branch dito sa sentro na sa kanila din?" Bumalik ang kuryusidad ko.






Tumango-tango ito na sinasabing tama ang iniisip ko.Ngunit meron akong gustong tanungin ngayon na nakalimutan kong itanong kanina nang nasa harap kami ng mall.






"Eh may-" Naputol ang tanong ko dahil sa biglang pagsulpot ulit ni nanay.





"Naku kayong mag-ama tama na muna iyang usapan ninyo.Kumain muna tayo dahil siguradong gutom na din kayo sa paglalakad natin kanina." Putol nito sa tanong ko.




"Ambilis mo naman yata Suzy" Takang tanong ng akin ama kaya naman napag-desiyonan ko na itanong na lang sa kaniya pag may time ulit kaming mag-uusap ni tatay.




"Eh mabilis ang usad ng pila kaya madala din akong nakapag-order" Kibit-balikat na sagot nito sa amin saka naupo sa side.





Hindi gaya doon sa panciteria na dala-dalawahan na magkaharap ang arrangement ng upuan.Dito ay bawat sides ng square table ay may tig-isang naka-puwestong upuan.






Nasa isang bakanteng upuan ang bag ni nanay at ang iba pa naming pinamili.



Maya-maya pa't may isang babaeng papalapit sa table namin na nakasuot ng black cap at red shirt paired with black pants.




Linapag nito ang isang tray na order namin.Akala ko iyon lang ay meron pa palang kasumod ding isa ding tray na linapag kasama ang mas naunang tray ng pagkain kanina.




Nang umalis ang waiter na nag-serve sa amin ay pinaalalahanan kami ni nanay na maghugas ng kamay na nakalimutan naming gawin kanina.




SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now