Kabanata 15

43 2 0
                                    

KABANATA 15

"Anak!!Saan ka ba nagpunta at masyadong kang ginabi!Nag-aalala kami masyado ng tatang mo!"

Bungad sa akin ng makita nila ako sa tapat ng bahay.Bakas ang masyadong pag-aalala sa mga mukha ng mga magulang ko.

Mabilis na tinakbo nila ang kinaroroonan ko at pansin kong parang bihis na bihis yata sila inay at itay na parang may importanteng pupuntahan.

"Anak!Sobra mo kaming pinag-alala!"
Mabilis akong niyakap ng aking ina habang gumagaralgal na ang boses na parang naiiyak na ito.

"Nay..."

"Anak...Huwag mo nang uulitin ito!Mamatay kami sa pag-aalala sa iyong bata ka!" Sermon ng aking ina habang yapos ako sa kaniyang bisig ng mahigpit.

"Sorry po Nay...Tay...Hindi na po mauulit." Malambing kong saad sa kanila sabay taas ng aking tingin mula sa pagkakayuko ko sa balikat ni nanay.

Pati ang aking ama ay labis-labis ang pag-aalalang mababakas sa kaniyang mukha.

"Anak, sana pinasabi mo nalang kay Clare na gagabihin ka ng uwi para masundo ka namin." Mas mahinahon na tinig ni tatay.

Kumalas na din si nanay sa wakas saka ako hinawakan sa aking magkabilaang siko tsaka sinusuri ako sa mukha at katawan.

"Nay...Ok lang po ako ginabi lang po talaga ako dahil cleaners ako ngayon tsaka sumadya pa ako saglit sa library." Mahinahong wika ko sa aking ina na animo'y imbestigador na naghahanap ng anumang bakas sa akin.

"Ysabel.Naglakad ka lang ba mag-isa?"
Sa tono ng aking ina ay talagang seryosong-seryoso nga talaga ito dahil tinawag pa ako nito sa aking buong pangalan.

"Hmmm...Nay...May mabuting loob pong naghatid sa akin dito." Hindi ko masabi sa kaniyang si Señorito mismo ang may mabuting loob na iyon.

"Sino anak?Bakit hindi mo inimbitahan saglit dito para mapasalamatan man lang namin sa paghahatid sa iyo." Ang aking ama naman ngayon ang nagtanong sa akin kaya naman bahagya na akong kinabahan.

Hindi nila ako pinalaking sinungaling nila nanay at tatay.At sa ganitong pagkakataon na seryoso ang tono ng boses nila ay wala akong lusot.Hindi ko kayang magsinungaling ngunit ko ba ito sasabihin na si Señorito ang naghatid sa akin.

"Eh...Nay...Tay...Kase...Uhmmm..."
Hindi ko alam ang sasabihin sa kanila.

"Sinong naghatid sa iyo Ysabel Rivera?" Hayan na.

Pinanliitan pa ako ni nanay ng kaniyang mga mata habang ang aking Ama ay tinitigan ako lalo ng matiim.

"Si ano...Si S-señorito po." Yumuko ako at mas lalong kinuyom ang nakayakap kong kamay sa libro.

"Señorito?Si Señorito Greyvhen ba?"
Biglang nanlaki ang mata ni nanay na pinanliliitan lang ako kanina.

"Ah...Oo...Siya nga po." Pang-aamin ko na.

Bigla akong pinamulahan ng maisip ko na naman ang pag 'Good night' ni Señirito sa akin kanina.Tinawag niya akong Bella kahit hindi ako sigurado kung saan niya nakuha ang bago niyang nickname sa akin.

"Teka...Si Señorito Greyvhen hinatid ka mismo dito?Siya nga ba talaga anak?" Nangingiti na ang aking ina habang sinisigurado ba talaga ang sinabi ko sa kaniya.

"Siya nga po.Si Señorito po talaga mismo ang naghatid sa akin hanggang doon sa tapat sa kalsada." Pati na din ako ay hindi na din maitago ang aking ngiti.

"Ang bait bait talaga ng Señorito!Bakit hindi mo manlang inimbita dito saglit anak para manlang napasalamatan namin." Ang aking ama naman ang may galak na sa tono sa kaniyang tono.

SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now