Kabanata 13

40 3 0
                                    

KABANATA 13

"Ok class Dimiss.Don't forgot the task I give you.Like I always said, I don't accept late papers tommorrow so you must all do your homework!Ok!Are we clear?" Sabay-sabay kaming sumagot ng 'Yes Ma'am'.



Dali-daling nagligpit ang mga kaklase ko ng kanilang kaniya-kaniyang gamit bago lumisan sa classroom namin.Hindi ako puwedeng umalis ngayon gaya ng mga kaklase ko sapagkat kasali ako sa mga cleaners ngayong araw.




Kinalabit ko ang kaibigan kong nakatingin sa sariling cellphone.


"Pst.Claire, mauna ka na maglilinis pa kami tsaka pupunta pa akong library pagkatapos nito kaya maiinip ka lang." Tumingin naman ito sa akin tsaka lumabi.



"Oh siya Friendy mauuna nga siguro ako lalo pa't nagtext si mama, maaga daw akong umuwi dahil mala-late silang uuwi ngayon at walang kasama si totoy." Tukoy nito sa nakakababatang kapatid na si Totoy.


"Oo kaya mauna kana" Saad ko.


Pinanood ko siyang kuhain ang bag na kulay pink saka sinabit sa likod ang backpack.



"Friendy bye!Kita na lang tayo bukas.Ingat ka sa pag-uwi hah." Bilin pa nito parang si nanay.


"Ikaw din ingat sa daan!" Linakasan ko bahagya ang boses ko dahil nasa pintuan na siya ng classroom namin.Kinawayan ako nito bago siya nawala sa paningin ko.




Ako naman ay kumuha na ng walis tambo saka nagsimula na ding maglinis kasama ang mga ka-grupo kong naglilinis ngayong hapon.




Lahat ng posibleng dumi ay winalisan namin lalo pa at istrikto pagdating sa kalinisan ang adviser namin.Nag-floorwax pa kami sa floor dahil namumuti narin dahil sa alikabok sa sahig.Namantsahan pa konti ang puti kong uniform dahil sa hawak kong floorwax kanina.







Mahigit isang oras ang paglilinis na ginawa namin kaya naman palubog na ang araw.Ala-singko ng hapon ang dismissal namin at Ala-sais na kami natapos.





Matapos naming maibalik at maayos ang mga upuan ay binaba namin ang kurtina sa buong silid matapos i-close ang mga bintanang jealousy.




Kinuha ko na din ang sarili kong backpack sa upuan at sinukbit sa aking likod.
Nagpa-alam na din ako sa kanila bago lumakad papuntang library.Manghihiram muna ako ng libro para sa Assignment ko sa English.Ayaw ko namang mapagalitan dahil lang late sa pagpasa.






Nakita kong bukas pa naman ang library kaya siguradong meron pang librarian sa loob.Nakabukas ang ilaw ng pumasok ako at sobrang tahimik ng buong silid.Pumunta ako sa section ng mga librong kakailanganin ko para sa assignment ko.





Nang makuha ko na ang dalawang libro ay hawak-hawak ko ito sa mga bisig at nilapitan ang librarian sa table niya para makalagda na sa logbook.






Tumingin ito sa akin ng mapansing papalapit ako mula sa puwesto.
Sinilip ako ni Mrs. Aguilar mula sa kaniyang salamin at ng makilala ako'y binigayan ako nito ng isang ngiti na sinuklian ko din ng ngiti.






"Oh!Ysa, ikaw lang na naman ang estudayanteng narito" Nang lumapit na ako ng linapag ko ang libro sa lamesa malapit sa logbook.






"Ah...Opo, cleaners po kase ako ngayon kaya medyo late na naman po." Nakangiti lang naman ito sa akin bago linapag nang tuluyan ang binabasang Diyaryo.






"Naku!Ang sipag mo talagang bata ka!Kaya lang ginabi ka yata masyado ngayon baka hinahanap ka na sa inyo." Palatak nito kaya binigyan ko siya ng kiming ngiti sa sinabi nito.





Ito yata ang pinaka-late na uwian ko kaya siguradong hinahanap na nga panigurado ako nila nanay at tatay.

"Oo nga po eh"



Kinuha ko ang ballpen na naka-ipit sa logbook saka lumagda at linagay na din ang pangalan ng librong kinuha ko.Pagkatapos kong nagsulat ay itinaas ko ang tingin ko at bumungad sa akin ang tingin ni Mrs. Aguilar.



"Claire masyado ng late baka wala ka ng masakyan pauwi niyan.Wala ng dumadaan masyado na tricycle dito kapag ganitong oras." Bakas ang pag-aalala sa boses nito.



"Dadalian ko nalang pong maglakad para di ako maabutan ng dilim sa daan" Binigyan ko siya ng isang siguradong tingin at ngiti.



Madalas kaming magkausap ni Mrs. Aguilar dahil sa palagi kong pagtambay dito sa library kaya naman masasabi kong medyo close kami.Malapit lang ang bahay nila dito sa school kaya naman kahit gabihib na si Ma'am ay hindi problema sa kaniya.



"O siya bilisan mo na diyan Claire habang hindi pa dumidilim!Mag-isa ka pa naman!" Para siyang si nanay kung mag-aalala kaya naman nakaramadam ako ng mainit na haplos sa puso ko dahil sa pag-aalala nito.



"Sige po Ma'am mauna na po ako." Paalam ko saka binuhat ulit ang dalawang libro na linapag ko kanina.



"Siya, mag-ingat ka hah!" Balik nitong sagot bago ko napagpasyahan nang umuwi na.



Ngiti na lang ang iniwan ko sa guro bago ako lumabas sa library at nag-diretso ng lakad papuntang gate.Nadaanan ko pa ang guard na naghihintay nalang sa mga naiwan pa sa loob.Ngumiti si Manong bago ko linagpasan.




Paglabas ko ay wala na ngang estudyante at mangilan-ngilan na lang ang nakikita kong mga guro na pauwi na din sa kanila.



Naglakad na ako sa daan papuntang amin.Tatlumpong minuto ang lakad papuntang amin ,siguro takip-silim na pag makakarating na ako doon.



Walang sasakyang dumadaan sa mga ganitong oras o kung meron man ay mga motorsiklong mga may angkas pauwi na din sa kanila kaya wala akong masasakyan.
Nag-aalala na sobra sila nanay kapag ganitong oras na wala pa ako sa bahay kaya naman mas binilksan ko pa ang lakad.Lakad-takbo ang ginagawa hindi nalang simpleng lakad sa kagustuhang makarating na.








Medyo binagalan ko na ang lakad ko ng makaramadam ako ng pagod.Habol-hininga ako habang pinagpapawisan na ngunit malayo pa din ang kailangan kong lakarin.Napapansin ko na ding medyo dumidilim na kaya naman medyo nakaramdam na ako ng bahagyang takot at kaba.Akala medyo magtatagal pa ang liwanag hanggang sa makarating ako kaya lang sa nakikita ko ay mabilis lang lumipas ang liwanag pagkatapos lumubog ng araw.







Tumakbo na ako habang hawak ng dalawa kong kamay ang libro sa aking harapan.Kahit kanda habol na ako ng hangin ay sige pa din ako sa pagtakbo ng dumating na sa puntong para na akong mawawalan ng hangin sa pagod.Huminto ako saglit sa daan saka sapo ang dibdib kong sobrang bilis nang pintig.






Taimtim akong nanalangin sa kaloob-looban ko na sana may dumaan man lang kahit isang sasakyan na puwede kong mapakiusapan na makisakay.






Ilang sandali pa akong nakatayo nang may makita akong ilaw ng sasakyan na palapit sa kina-pupuwestuhan ko mismo.Sobrang saya ko dahil dininig yata ang paki-usal ko kanina.


Naghintay ako saglit hanggang sa huminto ang isang four-wheel na sasakyan sa mismong harap ko,hindi ko pa man pina-para ay ang sasakyan na mismo ang huminto habang sakay ang hindi makilalang tao sa loob dahil naka-close ang window sa banda ko.






Napangiti ako ng malapad at lumapit sa tinted na window ng sasakyan para sana kakatukin kaya lang napatigil ako ng bumukas na mismo ang bintana at linuwa nito ang señorito prenteng naka-upo sa driver's sit at nakatingin na din ito sa akin.





His grey eyes is intently eyeing me.He's wearing a blue v-neck T-shirt and faded blue jeans ,it's just simple but I had to admit that he's already look ravishing.




"Do you know that it's not safe for a little girl  like you to walk alone on this time?"




Bagamat kalmado ay mababakasan ng galit ang kaniyang tono dahil sa bawat diin ng kaniyang binitawang salita.









SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now