Kabanata 21

67 3 2
                                    

KABANATA 21

The first thing that I've seen in the morning pagdilat pa lamang ng aking mata ay ang papasikat na sinag ng araw ng pilit na tumatagos sa maliit na siwang mula sa pagitan ng bubong at ng pader nang aking kwarto.

At that sight, bumangon na ako mula sa aking komportableng pagkakahiga. 

Pupungas-pungas akong umupo sa aking higaan, afterwards, I stretch my both arms upwards that form an arch on my back while yawning.

Bago pa ako mahila pabalik sa kama, ay mabilis ko nang inalis ang kumot na nakapulupot sa akin at agad na tumayo na. Inayos ko muna ang aking nagulong higaan pagkatapos ay itinaling muli ang nagulong buhok na parang pinamungaran na nang ibon.

I have not yet brush my teeth kaya naman lumabas na ako sa aking silid, ngunit bago iyon ay nadaanan ko muna ang maliit na salaming hugis kwadrado na nakabitin sa pako ng kahoy na dingding.

I smiled widely with my teeth showing. Dahil sa aking ginawa ay sumingkit ang aking dalawang mga mata. I angle my face side to side.

Uhhmm...Okay, I'm more than satisfied with my 'just woke up' look.

Looking at my reflection in the mirror, I suddenly feel confident about myself. Hindi dapat ako nagpapaapekto sa kung anong nakikita at naririnig ko sa aking paligid.

Thinking about sa aking nasaksihan kahapon, napagisip-isip ko na I shouldn't had reacted that way. Hindi naman dapat ako naaapektuhan kapag nakikita ko si Señorito na may kasamang iba. Of course, he's quite popular kaya no wonder maraming umaaligid sa kaniya. And by his extra-ordinary look, for sure na madaming umaaligid sa kaniya na naggagandahang dilag.

I'm too young to entertain that foreign emotion. Hindi dapat ako nag-iisip ng kung ano-anong bagay na magiging distraction sa aking konsentrasyon sa pag-aaral.

Like the usual happening in the morning. I eat my breakfast, take a bath, and ready myself going to school.

Gaya ng aking kadalasang ginagawa, nagco-commute papuntang school kung hindi magawang ihatid ako ng aking Tatay gamit ang hiram na tricycle ng kaniyang kumpare.

"Manong, bayad ho." sabay abot ng papel na bente pesos, pagkatapos ay bumaba na din 'gaya ng mga kasabay ko sa tricycle.

Malaya kong nahahawakan ang magkabilaang strap ng aking bagpack 'pagkat wala akong dalang libro sa ngayon. Naisauli ko na ang mga iyon noong isang araw sa library kaya naman wala na akong masyadong dalahin na mabibigat.

Lumakad na ako patungong entrance ng gate at nakapasok din kaagad at nakalagpas mula sa mata ng istriktong ladyguard na siyang bantay sa gate sa tuwing umaga.

Lumakad na ako sa covered hallway, pagkatapos ng mahabang lakaran ay lumiko din papuntang aming building.

Pagpasok ko palang sa aming room ay narindi na agad sa ingay ng mga kaklase kong parang nasa palengke kung magsigawan. Nagpatuloy ako sa paglakad without minding everyone's business hanggang sa mismong kinaroroonan ng aking upuan.

Mas maaga ako sa pagkakataong ito kaya naman malayang nakakapag-ingay ang aking mga kaklase 'pagkat wala pa ang aming unang subject teacher sa umaga.

Lumingon ako sa aking kanan, ngunit walang Claire na nahagilap nang aking mata. Pati ang kaniyang bag sa kaniyang upuan ay wala pa, that just means na mamaya pa si Claire darating.

Nangalumbaba ako at tahimik na pinagmasdan ang aking mga kaklase na parang mga ibong nakawala sa hawla, ngunit kapag mayroong teacher na ay animo'y mga behave at tahimik na mga bata. I got bored afterwards kaya napagpasiyahan kong ipagpatuloy na lamang ang aking binabasang libro.

Inilabas ko sa aking bag ang librong hiniram ko sa library na hindi ko naibabalik dahil hindi ko pa tapos basahin.

Binuklat ko ang page where I ended reading last time.

I was very engaged on what I'm reading na hindi ko na napapansin pa kung anong nagyayari sa paligid ko. My ears disregard to acknowledge the external noise. Bawat pagbuklat ko ng mga pahina ng libro ay siyang pagbabago ng mga pangyayari sa binabasa kong kwento.

It is really amazing that para na din tayong nakapaglalakbay sa iba't ibang lugar sa pamamamagitan lamang ng pagbabasa. I suddenly remember the quotation of George R.R. Martin, he said that "A reader lives a thousand lives before he dies…The man who never reads lives only one.”

Indeed. Those people who love reading novels and stories, they have been traveling around the world. Each story had different setting written by different authors which by they brought us into many places and we learn such as different cultures, language, and traditions that they mean to write in there story.

Our reading adventure might have brought us into many places that we haven't visited personally which made us learn a lot of things. But those people who never read, don't experience and feel those happenings inside the book.

"Good Morning Class!" nagulat ako sa malakas na iyon, muntikan ko pang mahulog ang librong binabasa ko.

Ang mga kaklase kong sobrang ingay kanina lang ay tila napipi sa biglaang pagpasok ng aming guro.

"Bring out a one-fourth sheet of paper, let's see class kung may natutunan nga ba kayo sa lesson na dinisscuss natin last meeting." rinig ko ang sabay-sabay na pag-angal ng mga kaklase ko. Ako naman ay  tiniklop na lamang ang book na hawak at linagay sa loob ng aking bag.

I bring out my sheet of paper and my ballpen, and start to write my name on the upper left side of it. I sighed. Buti nalang nakapag-review ako kahit papa-ano.

She gave us a 20 items quiz—purely identification type kaya naman pagkatapos ng kaniyang period ay rinig ko ang iba't-ibang side comments galing sa mga classmates ko, kesyo ang hirap niya daw  magpa-quiz, wala man lang daw babala na may pa-surprise quiz.

Napapailing nalang ako sa kanila, paano magiging surprise quiz kung may pasabi ang guro. We, students should be always ready dahil anytime ay pwedeng magpa-quiz ang guro. Especially that there are some teachers who always like to give a surprise quiz, literal na surprise.

But, wait... I haven't seen yet Claire. Linibot ko ang aking paningin sa palibot ng aming eskwelahan. At nandoon siya nakiki-chismis sa isa naming kaklase. They are very engage on what they are talking na halos ayaw na nilang mag break time.

"Claire" tawag ko. She did not look back at first kaya naman linakasan ko na ang aking pagtawag sa pangalawang beses. Nanlalaki ang kaniyang matang tumingin sa akin at saka dali-daling nagpaalam sa kaniyang kausap, kumaway pa ito bago ako lapitan.

"Hindi mo na ako napansin kaninang umaga dahil tutok ka na sa binabasa mong libro, pero besty... may chika ako!" she is very ecstatic at dinig ang kasiyahan sa tinig niya.

"Teka na muna iyan Claire, tara na muna sa Canteen" aya ko at ako na ang umangkla ng aking braso at hinila siya palabas ng aming room.

At the canteen, I just ordered a Tuna bread na tig-15 pesos and turon. No drinks dahil may tubig naman na ako, while Claire ordered a lugaw with egg and a drink for her self. Nabaliwala na din ang gusto niyang i-kwento kanina at nag-pokus na lamang kami sa pag-ubos ng aming pagkain.

Nakaka-drain din minsan ang mga pasurprise quiz nila, at the same time nakakagutom.

I munch on my food and never mind my surroundings.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now