Kabanata 5

70 2 0
                                    

KABANATA 5

Pupungas-pungas ang mata kong tumayo mula sa kama kong gawa sa kahoy na linatagan ng comforter sapat lang para hindi masyadong matigas sa likod pag hinihigaan.

Papikit-pikit pa ang mata kong lumabas sa kwarto ko habang naghahanap ng posibleng dumi sa mukha ko.

Paglabas ko amoy ko kaagad ang mabangong siningag ni nanay mula sa kusina kaya nakaramdam ako ng sobrang gutom habang sinisinghot ang mabangong amoy nito.


Kung tatanungin niyo kung bakit ako mukhang puyat ngayon, ay mali puyat talaga ako.Huli na akong nakatulog kagabi  mula nang umuwi kami ng bandang alas nuebe ng gabi dahil kakaisip kay señorito at sa mga kahihiyang nagawa ko.Mas lalo akong hindi nakatulog ng bumabalik parin sa isip ko iyong ginawa ng señorito sa akin.Ang sweet nung gesture niya kagabi, lalo na iyong bahagyang pagngiti niya sa akin na mas lalong nagpagising sa diwa ko kagabi.Ewan ko kung kailan at paano ako nakatulog kabibilang ng tupa sa isip ko.Basta namalayan ko nalang ma umaga na pala kanina.





Ako ay isa sa kabilang sa mga taong maagang gumigising lalo na pag school days alas-kwatro palang gising na ang diwa ko, para bang may sariling alarm clock ang katawan ko.Ngayon lang talaga ang late akong nagising.




Binati ko muna sila nanay bago dumeretso sa lababo namin na nasa labas na gawa sa kawayan tsaka nagsalok ng isang tabong tubig sa imbakan ng tubig namin bago naghilamos sa mukha, nagsipilyo narin ako bago bumalik ulit sa loob ng bahay namin.



Nasa lapag na rin si tatay nagkakape habang may hawak-hawak na diyaryo.Habang si nanay naglalapag ng pagkain sa lamesang nasa harap ni tatay.


"Magandang umaga nay,tay" bati ko sa kanila.


"Oh?Gising ka na pala nak halika upo ka dito at kakain na tayo" ani ni tatay habang rinorolyo ang hawak na diyaryo at binalik sa lalagyan nito.


"Nak bat parang puyat ka ata?" nabitin ang pag-upo ko sa silya naming kahoy dahil sa tanong ni nanay.


Nasa akin ang tingin niya habang sinusuri ang kabuuan ng mukha ko.Pati na rin si tatay tinitigan ako kayo bahagya kong yinuko ang ulo bago tuluyang umupo sa upuan.



"Ahh, medyo napuyat lang kagabi nay dahil medyo late na rin po tayong umuwi kagabi.Alam niyo naman pong di ako sanay na di natutulog ng maaga" sagot ko.Medyo sinungaling ako sa part na 'late na tayong umiwi' ngunit kailangan alangan naman sabihin ko sa nanay ko na 'nay iniisip ko po kase si señorito kaya napuyat ako' edi patay ako nun sa kanila.Baka kurutin ako sa singit ni nanay pag sinagot ko siya ng ganon.



Tumatango-tango sila.Buti naman naniwala sila ayaw ko pa naman iyong nagsisinungaling sa magulang ko dahil pinaliki nila akong magsabi ng totoo at hindi maging sinungaling.


Tinulungan ko saglit si nanay sa paglalatag ng kanin bago kami nagsimulang kumain.
Namayani ang katahimikan sa hapag namin kaya ang naririnig lang ay ang tunog ng kubyertos.Nang biglang binasag ni tatay ang katahimikan.



"Ang galing pala talaga ni Señorito." pagkausap nito kay nanay na natigil sa pagsubo ng pagkain.Pati ako natigil rin sa pagnguya sa sinabi ni tatay.

"Ha?Pano mo naman nasabi June" tanong ni nanay kay tatay.

"Aba'y kay galing na bata.Iyong diyaryong binabasa ko kanina siya iyong nakalagay doon.Siya ang kauna-unahang pilipino na nakapagtapos sa unibersidad na pinagamulan niya bilang valedictorian!Aba'y may pinagmanahan nga naman!" proud na proud na saad ni tatay na parang ama na pinagmamalaki ang sariling anak.





Inisang lunok ko ang pagkaing nginunguya ko dahil sa sinabi ni tatay.Pati ako namamangha kay Señorito, bakas rin kay nanay ang pagkamangha habang nakikipag-usap siya kay tatay habang ako abala na sa pag-inom ng tubig sa ginawa ko baka bigla nalang akong mabulunan.



Sila na lang ang nag-uusap ngayon habang ako pinagpatuloy nalang ang pagkain ko.Hindi lang pala gwapo't ganda ng katawan ang kaniyang puhunan, matalino rin pala siya hindi lang matalino sobrang talino.Mas lalo niya akong pinahanga sa kaniyang galing at sa nakuha niyang achievement.Hindi lang ang magulang niya ang sobrang proud pati kapwa niya pilipino pinahanga niya.Parang mas lalo ko siyang naging crush.





WAITTTTTT!!!!!WHAT?!!!!!CRUSHHHHHH KO SI SEÑORITO??????!!!!!!!!




Muli akong natigil sa iniisip ko.'Kailan ko pa naging crush siya?' tanong ko sa isip ko.

"O kaya anak tularan mo rin si señorito.Na kahit mayaman e nagsisikap parin sa pag-aaral" bigla nalang akong binalingan ni nanay habang sinasabi ito.Wala sa sariling sumagot ako ng tango at opo dahil sa kakaisip ko ng kung ano-ano kay señorito.

"Opo"

"Aba'y dapat lang lalo na't nag-iisa ka lang at  wala pa kaming maipapamana sa iyo nang iyong tatay.Mahirap lang tayo kaya dapat magsikap ka anak, para rin naman sayo iyan at sa kinabukasan mo." pangaral pa ni nanay.Wala akong ibang maisagot kundi tango at opo lang din.



"Eh magaling naman ang prinsesa naming ito.Sure akong di niya tayo bibiguin Suzy.Hindi lang magaling, maganda rin ang anak natin!" may pagmamalaking saad ni tatay kay nanay saka lumapit sa akin at yinakap saka marahang hinaplos ang buhok ko.Lumapit na rin si nanay sa amin saka niyakap kami.Larawan kami nang kumpleto at masayang pamilya.Kaya kahit mahirap lang kami at kapos sa mga materyal na bagay ay busog naman ako ng kanilang pagmamahal.Hindi kailanman matutumbasan ng kahit anong bagay ang pagmamahal ng pamilya.



Unang kumalas si nanay mula sa yakap namin saka nagpunas ng pisngi, hala umiyak si nanay.


"Nay, ba't po kayo umiyak?" may bahid ng pag-aalalang tanong ko kay nanay habang patuloy parin siya sa luhang tumulo sa pisngi niya.


"Wala nak masaya lang ako.Kayo kase nang tatay niyo ke-aga-aga nagdradrama kayo iyon tuloy" sabi niya saka bahagyang tumawa sa huli.



Natawa na rin si tatay na kumalas na rin sa pagkakayakap sa akin.Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa buhok ko baga humiwalay.


Napangiti na lang rin ako habang pinagmamasdan silang dalawa.Ang dalawang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.Sila ang pinaghuhugutan ko ng lakas at sila rin ang insprirasyon ko sa lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral ko.Lahat ng pagsisikap ko ay para sa kanila, dadating ang araw na ako naman ang mag-aalaga sa kanila.Gaya ng pag-aalaga nila sa akin at pagmamahal na binibigay na nanghuhubog ng pagkatao ko.




Sana ganito nalang kami.Masaya,malaya,at kontento sa buhay ngunit alam kong impossible iyon dahil sa buhay ng tao ay parte na ang pagsubok na dadanasin ng bawat isa.Nasa tao kung paano mapagtatagumpayan ang bawat pagsubok na binibigay ng Diyos sa bawat isa sa atin.Basta nasa tabi ko sila, parang kayang-kaya ko lahat ng problemang dadanasin ko.





Hanga ako sa pagmamahalan ng magulang ko.Kita sa kilos at pag-aalaga nila sa isa't isa ang pagmamahal na namamagitan sa kanila.Minsan nga naiisip ko, makakahanap kaya ako ng lalaking gaya ni tatay na mahal na mahal si nanay, mahal na mahal ang nag-iisang babae sa buhay niya.Iyong pahahalagahan, iingatan, at pakakamahalin ng tunay.Ngunit sa nakikita at naririnig ko parang wala na yatang ganong klaseng lalaki dito sa mundo, kung meron man siguro baka kakaunti lang.

Sana nga makahanap ako ng kagaya ni tatay.Sana.Sana nga...


Bigla kong naisip si Señorito.Isa kaya siya sa mga grupo ng lalaking manloloko at nagpapaiyak ng babae o kabilang sa maliit na porsyento ng lalaking loyal sa babaeng mahal nila?


Pero bakit ba bigla kong naisip si señorito?
Haytss.Kung saan-saan nakakarating na ang iniisip ko.
Pinilig ko ang ulo ko sa ano mang pinag-iisip ko.

'Tsk.Tigil mo na iyan Ysa baka saan na naman mapunta iyang imahinasyon mo' galit kong turan sa sarili ko.

SEÑORITO'S LOVE(Sweet Damsel)Where stories live. Discover now