Sssh.21

49.6K 468 50
                                    

[THIRD PERSON's POV]

"R-Rave..." nauutal na sabi ni Venice.

"Sssh... Don't." bulong sakanya ni Rave sabay lapat ng index finger nya sa mga labi ni Venice.

"I missed you Nadine... So much!" bulong nya ulit at isinandal nya sa pader si Venice.

"T-teka.. A-anong gina---" Hindi na natapos pang ituloy ni Venice ang kanyang sasabihin, dahil pinatahimik na sya kagad ni Rave gamit ang mga labi nito.

Mga ilang segundo lang ng pagkakahalik ni Rave ay bigla itong humiwalay kagad kay Venice at dumistansya ng konti.

'This is wrong.' bulong na sabi ni Rave sabay napahawak sya sa batok nya at nagpalakad lakad doon.

Bigla nya kasing naalala yung mga sinabi sakanya ni Ares.

Naiwan namang nakatayo lang doon si Venice at bakas pa rin sa mukha nya ang pagkagulat sa ginawang paghalik sakanya ni Rave.

Maya maya lang ay hinawakan ni Rave ang braso ni Venice at pati na rin yung dala dalang Maleta nito.

"B-bakit? A-ano nanamang g-gawin mo?" nagtatakang tanong ni Venice.

"You're not supposed to be here." straightface lang na sabi ni Rave sabay binuksan nya yung main door at itinulak palabas si Venice kasabay nung Maleta nya. >.<

"R-Rave! H-Hoy!" sigaw ni Venice habang tumatayo sa pagkakaupo nito sa sahig. Medyo napalakas kasi ang pagkakatulak sakanya ni Rave kaya naout of balance sya at napaupo doon.

Pero hindi na sya pinansin ni Rave at dali dali nitong isinara yung pinto.

"T-teka lang! Hoy! B-buksan mo 'to!" sigaw ni Venice habang pinagkakakatok yung pinto. Pero hindi pa rin talaga ito binubuksan ni Rave.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now