Sssh.41

42.5K 408 37
                                    

[VENICE's POV]

Naiwan ako dito sa Shower Room kasi sabi ko kay Rave na maliligo na lang muna ako kaya lumabas na sya.

Hindi ko alam pero parang nahiya ako bigla pagkatapos na may mangyari ulit samin. Parang wala na kong mukhang ihaharap sakanya.

Nagbabad muna ako ng ilang segundo pa bago ko pinatay yung shower at dumeretso sa malaking salamin sa may lababo. Pinagmasdan ko ang sarili ko. Parang pakiramdam ko hindi na ako ang nakikita ko sa may salamin. Hinawakan ko ang buhok ko pababa sa mukha ko papunta sa leeg hanggang sa makarating sa katawan ko.

Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim habang nakayakap lang sa sarili ko.

"Nadine? Are you done?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang kumatok si Rave at tinawag ako.

"O-oo tapos na ko. P-palabas na."

Kinuha ko kagad yung bathrobe na nakasabit doon at isinuot yun bago ako lumabas.

Nakita ko si Rave na nakatayo malapit sa may bintana na may kausap sa celphone. Hindi pa rin pala sya nakapagbihis. Nakatapis pa rin sya ng towel nya.

Naramdaman nya siguro na nandun na ko kaya naman napalingon sya sakin habang may kausap pa rin sya sa celphone nya. Kagad akong napatingin sa ibang direksyon at pinatuyo ko na lang yun buhok ko gamit yung towel.

Magbibihis na sana ako nang biglang may nagdoorbell. Napatingin ako kagad kay Rave at nakita kong napatingin din sya sakin. Ibinaba nya muna yung celphone nya at tinakpan ito.

"Can you get that please Nadine?" nakangiting sabi nya sakin at bumalik sya ulit sa pakikipagusap sa celphone nya.

Mukhang importante talaga yung kausap nya sa kabilang linya kaya isinuot ko na lang ulit yung bathrobe at nagmamadaling pumunta n main door.

Pagkarating ko ng main door ay sinilip ko muna kung sino yung nagdodoorbell. Nanlaki ang dalawang mata ko nang malaman ko kung sino yun.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now