Sssh.4

67.2K 581 100
                                    

•Dedicated sakanya kasi sya ang nakasagot nung question ko sa last Chapter. If you guys wanna see her answer, just go back to chapter 3 and read her comment :) Enjoy reading~



***
[THIRD PERSON's POV]






Nanlalaki ang mga mata ni Venice ng humarap sya sa malaking salamin doon sa CR.





Pinagmasdan nya ang sarili nya at parang ngayon lang nya narealize na sobrang laki pala talaga ang kanyang pinagbago. Sobra ang kanyang ipinayat, at ang putla putla na rin nya. Halata sa mga mata nya na parang laging walang tulog.





Maya maya pa, sumasama nanaman ang kanyang pakiramdam at nasusuka nanaman sya. Hindi nya alam kung bakit nagkakaganun sya.





Isang bagay lang ang sumagi sa isip nya. Pero hindi maari. Hindi pwedeng mangyari yun. Sabi nya sa isip isip nya.

"Venice!" tawag ni Olene na hingal na hingal sa may pintuan nung CR.

"Are you okay?" nagaalalang tanong nya sa kaibigan nya habang nilapitan nya ito at inexamine mula ulo hanggang paa.

"Namumutla ka talaga, tara dadalhin na kita sa clinic."

"C-clinic?" nanlalaki ang mga mata ni Venice nang marinig ang salitang Clinic.

"Oo sa Clinic nga, tara na!" yaya ni Olene habang akay akay nya si Venice.

"O-okay lang ako Olene, w-wala lang to. Hindi mo na ako kailangang dalhin pa sa clinic."

"Pero Venice, tingnan mo itsura mo! Halika na!" hinila na nya si Venice papunta ng Clinic.

Habang naglalakad sila papuntang Clinic, halo halo na ang naiisip ni Venice. Napahawak na lang sya sa tiyan nya habang akay akay sya si Olene.

Pero pagkarating nila sa Clinic at punong puno ito ng estudyante. Mga nakahawak din sila sa mga tiyan nila at sobrang namimilipit na sa sakit.

"Teka padaan kami!" sabi ni Olene habang sumisingit sila papasok sa loob ng Clinic.

Papalit palit naman ang tingin ni Venice sa mga estudyante na namimilipit na sa sobrang sakit ng mga tiyan nila.

"Anong meron?" sabi nya sa isip nya.

"Nurse! Unahin mo tong kaibigan ko. Kanina pa sya suka ng suka, tingnan mo namumutla na sya!" pagutos ni Olene sa Nurse na hindi na magkamayaw sa sobrang daming estudyante sa loob nung Clinic.

"Hija pare-pareho lang silang na Food Poison. Pwedeng pakihintay na lang. Tatawag na ako ng Ambulansya at dadahil na silang lahat sa Hospital. Painumin mo sya muna sya ng madaming tubig." utos naman sakanya nung Nurse.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon