Ares & Ava (Side Story)

21.7K 322 66
                                    

Yolo! Ito na ang last Update ko dito sa Book 1. Para dun sa mga nagaabang at curious sa lovestory "kuno" nila Ares at Ava XD 

Huwag po kalimutang basahin ang AUTHOR'S NOTE ko sa huli. kk? Enjoy reading :)

***

[AVA's POV]

"Hoy Ava! Kanina ka pa tulala dyan. Wag mo kasi sya masyadong isipin. Mahal ka naman nun, kaya lang ngayon kung nasan man sya panigurado nagpapakasaya na yun sa mga babae---"

Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita nya. Impaktang 'to! Siniko ko nga.

"Tse! Inggit ka lang kamo. Mas gwapo boyfriend ko sayo!" sabi ko na lang sabay inirapan ko pa sya.

"Pssh! Gwapo nga pero nagkikita ba kayo? Jusko girl halos mag-aapat na taon na kayong mag-on nang hindi pa nagkikita. Seryoso ba talaga yang lalaking yan?"

Napaisip ako sa sinabi nya.

Oo nga pala. Mag-aapat na taon na kaming hindi nagkikita ni Ares.

Tama kayo dyan. Sa kasamaang palad, kami nga ang nagkatuluyan! Ewan ko ba. Ginayuma ata ako nung hambog na yun. Hahaha. Joke lang!

Napabuntong hininga na lang ako sabay kinuha yung celphone ko.

"Seryoso ka ba talaga sakin.. booboo?" nakapout na sabi ko habang nakatingin sa picture nya sa celphone ko.

"Girls, malapit na ang first flight natin. Get ready." rinig ko na sabi nung Senior Flight Attendant namin.

Kaya naman ay dali-dali akong nagayos ng sarili at sumunod na sakanila.

*FLASHBACK*

 "Date me.."

"Date me.."

"Date me.."

Paulit ulit lang yan sa isip ko. Ilang araw at linggo akong hindi makatulog.

Bakit kamo?

Kasi sa totoo lang... First time ko lang sa tanang buhay ko ang may magsabi o alukin akong makipag-date.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now