Sssh.27

46.8K 433 38
                                    

[VENICE's POV]

Grabe pala ang pinagdaanan nya. Parang mas malala pa sa napagdanan ko. Hindi halata sakanya. Masyado nga talaga syang malihim. Isang private person >.<

Pero teka bakit ko ba sya iniisip? Aish! Mukhang napasubo pa ako sa pagtira ko dito.

Seryoso kaya si Ms.Miles? Sa mga sinabi nya sakin kanina na ano daw... Si Rave daw eh... Patay na patay sakin? O.o

Iniling-iling ko na lang yung ulo ko at umupo sa sofa. Nandito na rin yung mga nagaayos ng kwarto ko. Lalagyan daw nila ng banyo sa loob. Pabor yun sakin para hindi ako mahirapan, buti naisip nya yun? Psh!

May ilang bodyguards din si Rave dito. Mahirap na daw, kasi babae ako tapos yung mga nagaayos eh lalaki. Ang dami talagan alam nung loko-lokong yun! =____=

Napabuntong hininga na lang ako nang naalala ko nanaman yung picture ng mama ko. Hindi ko alam kung matatakot ba ako or ano. Hays!

Hindi ko na namalayan na tumutulo na rin pala ang luha ko.

Kagad ko itong pinunasan at tumayo.

Aalis na lang muna ako dito.

***

Nakabihis na ako at ready na akong lumabas kaya lang hinarang ako ng isa sa bodyguards ni Rave!

"Ms. Austria, saan po kayo pupunta?" tanong nya sakin habang nakaharang sa may pinto.

Tinaasan ko sya ng kilay at nagcrossarms.

"Lalabas bakit?" nataray na sabi ko. Psh! Bakit ba humaharang 'to? Pwede na naman akong lumabas diba?

"Sasamahan ko po kayo. Ipinagutos po ni boss na kapag lalabas kayo ay may isang bodyguard na sasama sainyo." straightface na sabi nya sakin.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now