Law & Olene (Side Story)

24.9K 200 17
                                    

Hi Guys! I know ang tagal kong nawala. Super duper naging busy lang talaga ako. Anyways, alam ko rin na madami ang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa ibang characters after matapos ang book 1 right? So ito na nga. Unahin muna natin sila Law and Olene.

P.S. No hating. Show some love. <<Pfft ano connect? XD

***

[LAW's POV]

"I thought you want him to suffer? I thought you want them to separate?" tanong sakin ni Dad.

Napabuntong hininga ako at napayuko.

Ilang araw din akong hindi nakatulog kakaisip sa mga nagawa ko. 

Alam ko, laging nasa huli ang pagsisi. I'm so stupid for doing those things to Venice and Rave especially to Olene.

"Dad.. I-I..." medyo mahinang saad ko habang nasapo ko ang noo ko.

"Tch, Son.. I just did what you just told me. Everything was running smoothly and then you will just give up?"

"DAD I SAID ENOUGH!" napasigaw ako nang di oras na ikinagulat naman nya.

"How dare you shout at me?!" medyo tumataas na rin ang boses nya. But I dont care anymore.

I need to start all over again. Kailangan kong makipagayos sa lahat. Lalong lalo na kay Olene.

Masyado ko syang nasaktan noon. Sarili ko lang ang iniisip ko. Mas lalo ko syang nasaktan nung mawala ang anak nya... anak namin.

"I'm going home. I'm sorry Dad." ayun na lang ang nasabi ko at tuluyan na akong nakalabas nung office nya.

Isang bagay lang ang gusto kong gawin ngayon. At yun ay ang makausap si Olene.

***

Ilang beses ko na syang tinatawagan sa cellphone nya pero mukhang nagbago na sya ng number. Graduate na rin sila ni Venice kaya hindi ko alam kung nasan na sila ngayon.

Pero malakas pa rin ang kutob ko na nandito pa rin sya sa Maynila. Alam kong itinatago lang sya sakin ng mga magulang nya.

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila. Sana lang ay nandito ka pa.. Olene.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now