Sssh.11

60.5K 725 201
                                    

[VENICE's POV]




Ano nanaman bang binabalak ng Manyak na to? Errm... Manyak na Gwapo? >.< Waah! Ano ban sinasabi mo Venice?




"Get in." pacool pa na sabi nya sakin sabay turo dun sa katabing seat.




"Bakit ba? Ano bang kailangan mo sakin ha?" mataray na sabi ko.




Nakita ko lang syang ngumisi sabay napailing. Napataas naman ang kilay ko sa ginawa nya.




"We're not yet done talking remember?" sabi nya sabay ngumiti sakin ng nakakaloko.




Ewan ko pero parang nanigas yung buong katawan ko at naalala ko nanaman yung nangyari sa Unit nya kahapon.




Yung Chocolate with Vanilla daw ba yun? Tapos yung pag punas nya sa labi ko.. tapos yung mga labi nya..




Bigla naman akong napatingin sa mga labi nya...




*Gulp*




Bakit parang uminit ata? >.<




"Hoy Nice! Natulala ka na dyan. Sumakay ka na kasi bilisan mo na at baka maudlot pa ang Dinner Date ko bwehehe." sabi sakin ni Ava sabay ipinagtutulakan ako pasakay nung kotse ni Rave.




"H-huh? A-ano yun?" wala sa sariling sagot ko habang itinutulak ako ni Ava sa kabilang side nung kotse.




Nang makasakay na ako, isinara naman kagad ni Ava yung pinto at tumakbo sa kabilang side nung kotse at kumatok sa Car Window. Ibinaba naman ni Rave yung sa side nyang Car Window.




"Uyyy ah! Yung usapan. hihi" parang kinikilig na sabi ni Ava.





"Sure thing." sabi ni Rave sabay nginitian nya si Ava.




Anong meron? O.o




"Hoy Ava! Ano yun? Anong usapan ha?" Nagtatakang tanong ko.




Pero ngiti lang ang nasagot sakin ni Ava. Ano ba talagang meron? >.<




"Sige na alis na kayo. Ingatan mo friend ko ah. Enjoy! hihi" sabi ni Ava sabay nagwave pa sakin.




Bago pa ako makasagot ay pinaandar na ni Rave yung kotse nya palayo nung Campus.



Ilang minuto rin kaming tahimik habang nagmamaneho lang sya. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng manyak na to.



Kapag kasama ko sya, bakit parang may iba akong nararamdaman. Hindi ko maintindihan eh. >.<



Tsaka... naaalala ko yung araw na yun... yung time na nakita ko syang nakahiga sa kabilang side nung kama. O//////O



Ano ba Venice! Kung ano ano nanaman iniisip mo! >_____<



"You okay?" biglang tanong nya na ikinagulat ko naman.



"A-ahhh.. O-okay lang ako." ilang na sabi ko. Feeling ko namumula nanaman ang pagmumukha ko.



"Teka, ano ba yung paguusapan natin? At saan mo ba balak pumunta?" tanong ko sakanya.



Ngumiti lang sya habang patuloy pa rin sya sa pagmamaneho.



Ano ba yun? >.<



He Stole My...Sssh! (Under Editing)Место, где живут истории. Откройте их для себя