Sssh.31

46.3K 405 42
                                    

[THIRD PERSON's POV]

Ilang araw at linggong hindi nagpapansinan sila Rave at Venice. Dumaan na rin ang bagong taon pero ganun pa rin sila sa isa't isa. Natatakot namang inaapproach ito ni Venice. Hindi kasi maganda ang huling paguusap nila kaya minabuti na lang ni Venice na wag na lang munang kausapin si Rave.

Ang problema lang ay nasa iisang kwarto lang sila ngayon. Pero hindi naman doon natutulog si Rave. Magdamag lang itong nasa loob ng kanyang Study/Music Room o di kaya sa loob ng Workout Room nya. Ilang araw na rin laging kulang o wala talagang tulog si Rave.

Malapiy na rin ang pasukan ulit nila Venice kaya naman bumili na ito ng mga gamit nya para sa School.

Pagkadating ni Venice sa Unit ni Rave ay inilagay nya muna yung mga nabili nyang gamit sa Living Room at nagpahinga muna sya doon.

Sakto namang lumabas nung kwarto si Rave. Bagong ligo. Hindi ito nakapunta sa shooting nya dahil masama ang pakiramdam nya.

As usual, deadmahan effect nanaman sila. =____=

Dumeretso lang si Rave kitchen nya at kumuha ng maiinom. Nang makakuha na sya ay dumeretso naman ito sa Living Room kung nasan si Venice.

Nakita ni Rave na nakapikit si Venice. Kumunot naman ang noo nya at umupo di kalayuan kay Venice sabay binuhay nya yung Flat Screen TV nya.

Napamulat naman ng di oras si Venice at dali-daling tumayo sabay kuha nung mga pinamili nya at aalis na sana doon sa sala.

"Nadine..."

Natigilan si Venice sa paglakad nang marinig nyang muli ang boses ni Rave. Hindi nya alam pero parang namiss nya yun. Lalo na ang pagtawag nito ng Nadine sakanya.

"Kailan magstart ang pasok mo?" tanong nito habang nakatingin lang ng deretso sa TV.

Pero hindi naman kagad sumagot si Venice at nagsimula ulit maglakad. Narinig nyang napabuntong hininga si Rave kaya naman ay sumagot na rin ito.

"B-bukas." tipid na sagot ni Venice.

"Okay." matipid din ang sagot ni Rave.

Inaantay pa ni Venice kung may iba pang sasabihin si Rave. Pero wala na. Kaya naman dumeretso na ito sa kwarto ni Rave.

Nang makita ni Rave si Venice na pumasok na nung kwarto nya, ay dali dali nyang kinuha sa bulsa nya yung celphone nya at kagad na nagdial.

"Hey, meet me later. Same time, same place." pagkasabi nya nun ay ibinaba nya kagad yung call dahil lumabas si Venice nung kwarto.

Nakita ni Rave na dumeretso ito sa kitchen nya. Mukhang nasasanay na si Venice na magpabalik balik doon. Kumunot naman ang noo ni Rave habang pinagmamasdan ito.

"Btw, you have to wear something to hide your blonde hair tomorrow." sabi ni Rave. Medyo malakas ito para marinig ni Venice.

"I'll call Miles to help you with it later." dagdag nito.

'Psh! Kahit kailan ang dami mong alam!' saisip ni Venice habang gumagawa sya ng sandwich nya.

Nung makalabas sya nung Kitchen ay nagsalita ulit si Rave.

"Last thing... Pwede ka na bumalik bukas sa kwarto mo. Matatapos na yun mamaya."

"Okay." sagot naman ni Venice at pumasok na ulit nung kwarto ni Rave.

Napabuntong hininga na lang ulit si Rave at namasahe nya ang ulo nya.

'Oh Nadine... What am I gonna do with you? Why do you keep on ignoring me? It hurts me like hell!' Saisip ni Rave.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now