Sssh.48

36.4K 389 37
                                    

[VENICE's POV]

Ilang araw na ang nakalipas pero ganun pa rin si Rave sakin. Hindi na masyadong mainit ang ulo o nagagalit. Paguwi nya galing ng work lagi na nya akong binabati at laging nakangiti. Minsan naman lagi rin nya akong sinasama sa mga photoshoots nya. Nakakahiya nga eh kasi baka isipan ako ng kung ano-ano nung mga nakakakita samin. Buntot lang kasi ako ng buntot. Pero sinasabi naman sakin ni Rave na okay lang daw yun at wag daw ako magalala about sa sinasabi ng iba. Kaya lang nababahala kasi ako sa kung ano mang mangyari sa career nya once na lumantad ang lahat ng sikreto namin.

"Hi girl! Kamusta? Mag-isa ka nanaman yata? Sabi ko naman sayo eh lagi mo na akong isasama para hindi ka loner." heto nanaman 'tong bekiloo na 'to. Bakit ba napakapamilyar ng mukha nya sakin? Saan ko nga ba sya nakita?

Tumango na lang ako at ngumiti ng pilit sakanya at itinuon ko na lang ang pagbabasa sa libro na hiniram ko kanina kay Rave.

"Ano yan?" nakangiting tanong nya sakin.

Ibinaba ko naman kagad yung librong binabasa ko at tumingin sakanya ng seryoso.

"Libro. Ano pa ba?" straightface lang na sabi ko sakanya at ibinalik ko ulit ang mga mata ko sa pagbabasa.

Narinig ko syang tumawa ng mahina.

"Hay na ku girl ikaw talaga kahit kailan napakapilosopo mo no? Alam kong libro yan. Tch, nevermind."

Buti naman tumigil na sya sa kakakulit sakin. Minsan nga naisip ko, bakla ba talaga siya?

"Ayyy girl! Malapit na pala ang prom natin. Meron ka na partner?" tanong nya sakin.

Prom? Oo nga pala. Nakalimutan ko na ang tungkol dun. Wala na rin naman akong interest sa Valentine's Day eh. May maaalala lang ako.

"Girl pwede mo akong maging partner! Kahit ba babae ako sa loob, mukha naman akong lalaki sa labas diba? hahaha."

Tumaas ang isang kilay ko at napatingin ulit sakanya. Hmmm? Pwede na rin siya ang maging partner ko. Pero teka kakasabi ko lang na hindi na ako interesado sa mga ganyan.

"Wag na. Hindi rin naman ako aattend eh."

"What? Are you kidding me?" parang biglang nagiba ang boses nya dun ah kaya naman napatingin ulit ako sakanya at tinaasan ko sya ng kilay.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now