Sssh.22

51.9K 498 42
                                    

[THIRD PERSON's POV]

Dali daling pumasok ng kwarto nya si Venice at kagad na nilock iyon. Sumandal muna sya sa may pintuan at napahawak sa kanyang dibdib. Sobrang bilis ng tibok ng puso nya.

'Bakit ganun sya? Baliw na ata? Luh? >.

Kinapa-kapa nya yung switch nung ilaw. At nang makapa nya ito ay kagad nyang pinindot iyon. Nag-On na ang ilaw at napatingin sya sa buong kwarto.

Walang masyadong dekorasyon doon. Puti ang mga dingding, may isang kama na kasya ang isang tao lamang. May isang bedside table na may lampshade at merong study table sa may malapit sa pinto. Meron ding cabinet na sakto lang ang laki at isang malaking salamin.

Maliit lang itong kwarto na para talaga sa iisang tao. Wala itong banyo sa loob, kaya naman kailangan pang lumabas ng kwarto ni Venice para lang gumamit ng CR. >.

Napaupo si Venice sa kama at sinubukang magpalundag lundag doon. Napangiti sya. Malambot naman yung kama at mukhang masarap higaan.

Muling inilibot ni Venice ang kanyang mata sa buong kwarto at napaisip.

'Simula ngayon... Dito na ako titira... Kasama nya...' saisip ni Venice sabay napabuntong hininga.

Humiga na sya at pumikit. Mga ilang minuto pa ay hindi na nya namalayan na nakatulog na pala sya.

***

JYJ BAR

12:45am

Thursday

"Tingnan mo tong si Rave, may katok na ata 'to eh? Kanina pa ngingisi ngisi dyan." sabi ni Pollo sabay inom nung hawak nyang beer.

"Yaan mo na Dude, ganyan talaga kapag in love! Hahaha." Natatawang sabi naman ni Ares sabay lapat sa kinauupuan ni Rave.

"Wow ah? That's something new! At dahil dyan, magpapainom pa ako. Wait oorder pa ako." Sabi ni Pollo sabay labas nung VIP Room.

"Dude? What's up?" Tanong ni Ares kay Rave.

Napatingin naman si Rave kay Ares at napangisi ulit.

"Nothing much. Medyo masaya lang ako." sabi ni Rave sabay napangisi ulit doon.

"Hulaan ko... Dahil nanaman ba dun sa---" hindi na natapos pang sabihin ni Ares yung dapat na sasabihin nya.

"She has a name Ares and it's Na--- I mean Venice."

"Okay fine Venice. Ganda ng name nya ah. Ano na pala balak mo sakanya? Ngayong wala na ang Mama nya."

"I don't know yet. Actually, she's living with me now." sabi ni Rave sabay inom nung beer.

Muntikan pang masamid si Ares sa iniinom nyang beer sa narinig nya mula kay Rave.

"What? Seriously Dude? Dapat hinayaan mo na lang sya, let her suffer and hayaan mo rin na mapagdaanan nya yung napagdanan mo rin noon." Kunot noong sabi ni Ares.

"That's what I'm planning to do now I guess? But I wont let her suffer that much. Just wait and see." sabi nya kay Ares sabay ngumisi ulit.

"Whatever Dude, Goodluck na lang."

***

[VENICE's POV]

Nagising ako nang may marinig akon kalabog mula sa labas nung kwarto. Napabangon tuloy ako kagad at dumeretso sa may pinto. Unti-onti ko iyong binuksan at inilabad ko muna yung ulo ko para sumilip sa labas pero huli na ako. Nasa harapan ko na sya kagad! >.

"I'm sorry, did I wake you up?" tanong nya sakin habang nakatingin lang ako sa paanan nya at dahan dahan kong iniangat yung tingin ko sakanya.

>///

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now