Sssh.35 P1

45.8K 371 29
                                    

[THIRD]

"W-what?" gulat na gulat na sabi ni Rave.

Para lang itong naging istatwa doon na napatulala sa sinabi ni Venice. Hindi na nga nito namalayan na nakalabas na pala ng kwarto nya si Venice, kaya naman nung matauhan sya ay nagmamadali itong lumabas din.

"Nadine!" tawag nito nang makalabas na nung kwarto. Nakita nya si Venice na nasa may Living Room na.

Dali dali nyang hinila yung Handle nung Maleta ni Venice.

"You're not going anywhere!" seryosong sabi ni Rave habang sobrang higpit ng pagkakakapit nya sa Maleta ni Venice.

"Psh! Aalis ako!" sagot naman ni Venice sabay hila pabalik nung Maleta nya.

Napabitaw naman ng di oras si Rave. Wala itong masyadong lakas dahil may sakit pa rin ito hanggang ngayon.

"NO! YOU'RE NOT LIVING MY HOUSE!" sigaw ni Rave habang humahabol kay Venice na malapit na sa may main door.

"Bahala ka dyan! Manigas ka!" sabi ni Venice at bubuksan na nya sana yung pinto nang bigla syang hilahin ni Rave papunta sa mga bisig nito.

"Don't leave Nadine... I-I'm sorry I yelled at you." bulong ni Rave habang nakayakap kay Venice ng sobrang higpit.

"R-Rave pwede ba? B-Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ni Venice.

"No! I won't let you leave me like this! Nadine..."

"Please?" bulong ulit ni Rave.

"Nadine please?" rinig ni Venice sa boses ni Rave na para bang mangiyakngiyak na ito. Kaya naman napatigil ito sa pagtutulak kay Rave.

First time marinig si Rave na nagkakaganito. Pero kasi hindi na nya talaga maintindihan ito. Masyado na syang naguguluhan.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon