Sssh.35 P2

45.4K 401 46
                                    

[THIRD]

Ilang minutong nakaupo lang doon si Rave. Binabaliwala lang nya ang bawat taong nakatingin sakanya at bawat taong dinaraanan sya. Wala na itong pakialam. Pagod na rin ang buong katawan nya sa kakahanap kay Venice.

Naramdaman na lang nya na may biglang humawak sa braso nya at hinila ito patayo.

"Kuya Raiden? Are you okay?"

Pero tila parang nabibingi na ito at pumupungay na ang mga mata nya. Sobrang hilo na ito at ang hinininga na lang nya ang naririnig nya.

Muntik ng maout of balance si Rave sa pagtayo, buti na lang at may nakaalalay sakanya.

"Woah K-Kuya? Halika na iuuwi na kita." pagaalala ni Elis habang akay akay nya si Rave pasakay ng taxi. Wala pa kasi itong kotseng ginagamit dito.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na sila sa Condo. Sumalubong sakanila ang 2 bodyguards ni Rave at sila na ang umakay dito papunta ng Unit nya.

"Ihiga nyo na sya. Thank you." sabi ni Elis nang makarating sila sa kwarto ni Rave.

Inilagay ni Elis yung palad nya sa noo ni Rave at kaga na inalis ito nang malaman nyang sobrang init pala nito.

"What the? Ang taas ng lagnat mo Kuya!"

Nagmamadali syang kunin yung celphone nya sa bulsa nya para tumawa ng doctor.

Kapa. Kapa. Kapa.

"Shit where's my freakin phone?" bulong na sabi nya.

Sinubukan nya ulit hanapin sa mga bulsa nya pati sa bulsa ng jacket nya yung celphone nya pero wala talaga. Kaya hinanap na lang nya yung celphone ni Rave.

Nakuha nya yun sa may back pocket ni Rave. Nang pinindot na nya yung power button ay bigla syang napangisi.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Where stories live. Discover now