Sssh.33

46.1K 391 55
                                    

[VENICE's POV]

Huminga ako ng malalim at pumikit.

Mama, kayo na po ang bahala sakin. Alam kong magiging mahirap ang natitirang buwan ko sa High School, pero alam kong nandyan lang kayo na nakagabay sakin.

Pagkamulat ko ay kinuha ko ang salamin ko sa bag para tingnanang sarili ko. Bumalik na ang itsura ko sa dati, na brown ang buhok. Pero isang wig lang ito. Mananatili pa rin kasi ako sa Unit ni Rave, kaya kailangan kong sumakay sa mga kalokohan nya.

"Ms. Austria, baka po malate na kayo." sabi sakin ni Joe. Head security ni Rave. Sya ang naghatid sakin.

Tumango na lang ako at huminga ulit ng malalim bago bumaba nung kotse.

"Ah Miss Austria..." tawag ulit sakin ni Joe.

Napatingin ako sakanya at nagaantay ng sasabihin nya.

"Hihintayin po namin kayo. Goodluck Ms. Austria." sabi nya sakin.

Ngumiti na lang ako at nagsimula na maglakad.

Psh! Nakakainis naman. Seryoso ba talaga sila? Maaantay nila ako? Panigurado si Rave nanaman ang may pakana nito. Aish!

Pagkapasok ko parang naninibago ako. Dati rati kasi pagkapasok na pagkapasok ko ng Campus, may nagaantay na sakin sa may bench malapit sa gate. Pero ngayon wala na. Alam nyo na naman siguro kung bakit diba?

Umupo na lang ako dun at napabuntong hininga.

Kamusta na kaya sya? Alam kong masakit ang ginawa nila sakin ni Law pero anong magagawa ko diba? Magkakaanak na rin sila.

Kinuha ko na lang yung celphone ko at sinubukang tawagan ulit si Ava ng biglang may lumapit sakin.

"Hello!"

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant