Sssh.53

32K 441 61
                                    

[THIRD]

"Dude! What happened?" tanong kagad ni Ares nung makapasok nung Police Station kay Rave.

Pero hindi sumagot si Rave. Nakaupo lang ito sa isang sulok at nakalagay ang dalawang kamay nya sa noo nya.

"Dude, relax. Hindi ka makukulong trust me. Ikaw pa? Alam naman natin na hindi mo kayang gawin yun, although may galit ka sa Mama ni Venice. Pero alam ko naman na hindi mo na itinuloy yung balak mo diba." medyo pabulong na sabi ni Ares kay Rave at inakbayan nya ito.

"Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! For Pete's sake Rave! Your career is DONE! And I'm done!" inis na sabi nung Manager nya pagkapasok na pagkapasok pa lang nito.

"Manager..." tawag ni Miles. Pinapakalma nya ito.

"Paano na ha Rave? Nagrerehearsal tayo for that fcking Mini Concert of yours at ito lang ang kapalit?! That is on 1st week of March! Anong petsa na?! My God!" inis na inis pa rin talaga na sabi nung Manager nya.

Dumistansya na lang muna ito sakanila at kinuha nya yung cellphone nya para may tawagan.

"Mr. Shinn, don't worry. Maayos din po ang lahat ng ito. Tinatawagan na po ni Manager yung Lawyer nyo." sabi ni Miles.

"Thanks Miles." ayun lang ang nasagot ni Rave at nasapo nanaman nya ang noo nya.

After 30 minutes ay dumating na ang Lawyer nya. Nakausap na rin nito ang mga Police at naisaayos din ang lahat. Sa ngayon ay pansamantalang makakauwi si Rave sa Condo nya habang Under Investigation pa ang lahat. Pinakiusapan kasi ito nung Lawyer nya para na rin dun sa Mini Concert nya. Pero bantay sarado sya ngayon ng mga Polce kahit san man sya magpunta.

"Rave... Just this time. Just this time please don't do something stupid or something na makakasira ng career mo okay? I'll see you tomorrow." sabi nung Manager nya at nauna nang lumabas nung Polce Station.

"Mr. Shinn, kami na po ang bahala sa Media. You need to rest." sabi ni Miles at sumunod nang lumabas nung Station.

Huling lumabas si Rave kasabay si Ares. Medyo kagulo pa rin sa labas pero nakaalis naman sila ng maayos.

Habang papunta na si Rave sa Condo ay kinuha nya yung celphone nya. Ilang beses na nyang tinatawagan si Venice at tinetext pero no reponse ito.

"Joe, do you know where is she?" tanong ni Rave kay Joe. Ang Head Security nya at ang Driver nya ngayon.

He Stole My...Sssh! (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon